HERA'S POV "Hera? Hera?!" napabangon ako nang marinig ang boses ni Daniel. Co-teacher ko siya sa Worwick Franklin Institute. Private school iyon para sa mga middle schoolers. Fortunately, hindi nabahiran ng criminal records ang pangalan ko kahit nakulong ako ng dalawang linggo kaya hindi ako nawalan ng lisensya at patuloy na nakapagturo. Hindi ko tuloy alam kung sino ang dapat na pasalamatan, Ang Nanay b ani Jae Hyun o siya mismo? Nailing na lang ako, hindi naman na importante iyon. Palibhasa, alam ni Daniel ang passcode ko kaya nakapasok siya agad sa apartment ko nang hindi man lang kumakatok. Paglabas ko sa kwarto, naroon na siya sa kusina at naghuhugas ng mga prutas na siya ang bumili. Parte pa rin ng kanyang misyon na pakainin ako. "Ano na naman 'yan, Sir Daniel?" Katulad ko, Pilip

