JAE HYUN'S POV Mabilis kaming nakapag-arrange ni Ye Ri ng accommodation dahil mayroong pensionhouse ang pamilya ni Appa (Dad) sa Geumsan. Ang kapatid niya ang kasalukuyang nagma-manage ng pensionhouse na iyon na isa ring farmer. Gabi na kami nakarating ni Ye Ri dahil sa kaliwa’t kanang meeting na pinuntahan ko ngayong araw. It was all for the preparation of our new brand, H. Ako ang may ideya ng bagong clothing line na ‘yon and it was inspired by Hera. Habang ginagawa ko ang proposal para sa negosyong ‘yon, siya lang ang nasa isip ko. Katulad nang kung paanong siya lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon. “Gwaenchaneuseyo?” (Are you okay?) Ye Ri whispered beside me. Nakarating na kami sa pensionhouse habang sakay ng kotse niya. Nagpa-park na lang kami. “Ye. Dangsin, meonjeogaseyo.” (Yes.

