JAE HYUN’s POV Halos gabi-gabi kong nakikita ang mukha, ang ilong at ang labi ni Hera sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko magmula nang tangkain ko siyang halikan. Oo. Iyon talaga ang pakay ko nang ilapit ko sa mukha niya ang mukha ko. It was reckless move, I admit. Kaya nga gumawa na lang ako ng dahilan. I pretended that I was toying her. Did she honestly expected me to kiss her? Siguro nga kasi mukhang galit pa rin siya dahil ini-ignore niya ang mga text ko. Bakit ko ba kasi ginawa iyon, in the first place? Ano bang nangyayari sa akin? Nang matitigan ko siya nang mga oras na iyon, parang may nangyaring hindi ko inaasahan. Did I just fall for that Manang? Well, hindi naman na siya baduy manamit ngayon. She easily learns the Gangnam Fashion. Maganda na siya kung tutuusin kahit hindi

