HINDI makapaniwala si Bee na nasa harap niya si Ryford. Nakasuot si Ryford ng simpleng itim na long-sleeve, pantalon na itim, at Nike shoes. Naka-suot din ito ng bull cap na halos nakatakip sa mukha nito, pero nang muli nitong tawagin ang pangalan niya ay tinaas nito ang visor niyon. "Bee, this is me," sabi ni Ryford. "Ryford!" hindi napigilang bulalas ni Bee nang masiguro niyang hindi guni-guni ang Ryford na nakatayo sa kanyang harapan. Ngumiti si Ryford at lumapit sa kanya, pagkatapos ay walang kasere-seremonyang niyakap siya. "I missed you, Bee." Emosyonal pa mula kanina si Bee kaya hindi niya napigilan ang muling pagpatak ng mga luha niya. "Sira-ulo ka! Pinag-alala mo ko!" "I know," pabuntong-hiningang sabi ni Ryford. "I'm sorry." Kumalas si Bee sa pagkakayakap ni Ryford para ma

