NAMALAYAN na lang ni Bee na umiiyak na pala siya nang punasan ni Radcliffe ang mga luha niya gamit ang mga daliri nito. Bumuga ng hangin si Radcliffe. "This is why we didn't want to tell you what happened to Ryford. Iiyak ka lang." "Paano nangyari 'yon? Bakit siya nalulong sa drugs?" humihikbing tanong ni Bee, hindi pa rin makapaniwala sa natuklasan tungkol kay Ryford. Malungkot na umiling si Radcliffe. "Hindi rin namin alam, Bee. Maraming beses sinubukang kausapin nina Rykard at Rydell si Ryford. But he pushed them away. Lumala ng lumala ang adiksyon ni Ryford sa m*******a, kaya napilitan nang umaksyon ang mga magulang nila. Kinausap nila ang management ng Rai's at sinabi ang sitwasyon. Pinalabas nila sa publiko at media na magbabakasyon sa Florida si Ryford, pero ang totoo, naka-confi

