12th Chapter

2095 Words

NANG magising si Radcliffe, kinompronta agad ito ni Bee tungkol sa tawag ni Rykard. Pinutol kasi agad ni Rykard ang tawag nang marinig ang boses niya. Halatang nawala ang antok ni Radcliffe, pagkatapos ay napaderetso ito ng upo. Mukhang hindi na nito kailangan ang itinimpla niyang kape para magising. "Bee..." "Nasa Pilipinas lang si Ryford," kunot-noong sabi ni Bee. "Pero bakit pinalabas niyong nagpunta siyang Florida?" Naalala ni Bee ang sinabi ni Puma no'ng nakaraan na parang nakita raw nito si Ryford. Tinawanan lang niya si Puma at sinabing baka nagkamali lang ito ng tingin dahil nasa Florida si Ryford. Pero ngayon, hindi na niya maisip na katawa-tawa ang ideyang iyon. Bumuga ng hangin si Radcliffe, yumuko para ipatong ang mga braso sa mga binti, saka nag-angat ng tingin sa kanya. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD