11th Chapter

1667 Words

GUSTO nang lumubog sa kahihiyan ni Bee nang isa-isahin na ni Radcliffe ang mga bagay na napansin nito sa kanya sa lumipas na isang linggo. Ang karamihan kasi sa mga iyon ay mga habit at ugali niya na siya mismo ay ikinakahiya. Katulad ng pagiging suplada at mataray niya kapag hindi niya "vibes" ang isang tao. "Just like how you were to me before. Nakakatakot ka," natatawang dagdag pa ni Radcliffe. "Defense mechanism ko 'yon, 'no," umiirap na katwiran ni Bee. "Maraming masasamang loob sa mundo ngayon. Dapat hindi ka mukhang weak para hindi ka maapi." Ngumiti lang si Radcliffe. Sunod nitong pinansin ang pagpo-procrastinate niya madalas sa trabaho, at pagka-cram kapag malapit na ang deadline ng mga article niya dahil madalas, kay Radcliffe siya nagra-rant kapag napapagalitan siya ng edito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD