TUWANG-tuwa si Bee habang nililista sa kanyang notebook ang ilang mga bagay na napansin niya kay Radcliffe sa nakalipas na limang araw simula nang pagkasunduan nila ang "laro" na tinawag nilang "Guessing Game". 1. Favorite color: black (obvious) 2. Favorite music genre (aside from pop & rock): jazz (always plays jazz music when driving me home) 3. Generous (often treats me to lunch and dinner) 4. Not a morning person, coffee monster (found out straight from his mouth) Napabungisngis si Bee nang maalala niyang nang minsang tinawagan niya si Radcliffe ng mag-a-ala sais pa lang ng umaga (sinusundan niya ang schedule ng celeb na i-interview-hin niya kaya maaga siyang nasa layasan) ay sininghalan siya nito. Naaalala pa niya ang sinabi nito sa kanya – na malamang ay hindi tiningnan ang call

