9th Chapter

1489 Words

"HAY! KAINIS!" nakalabing reklamo ni Radcliffe habang nakatingin sa maliit na piraso ng leche flan na natira. Natawa ng mahina si Bee. Parang blockbuster office hit naman kasi ang leche flan niya, ubos agad at puring-puri pa siya ng mga kasamahan ni Radcliffe. Siyempre, natuwa siya. Pero naawa siya kay Radcliffe na naubusan. Pabirong binunggo niya ang balikat ni Radcliffe. "Igagawa na lang uli kita mamaya. Dinner at my place?" Nangislap ang mga mata ni Radcliffe. "Just the two of us?" Ngumiti ng pilya si Bee. "Sa dinner, yes. Pero sa bahay, no. Remember, housemate ko si Jolly at hindi mo 'yon mapaalis ng bahay kung hindi para sa trabaho." Umarte si Radcliffe na parang nadismaya, saka eksaheradong bumuntong-hininga. "Gusto ko pa namang masolo ang baby ko." Pinaningkitan niya ng mga an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD