BITBIT ni Bee ang isang basket na naglalaman ng limang malalaking yanera ng leche flan na siya mismo ang gumawa. Dadalhin niya iyon para kay Radcliffe, at sa staff and crew na bumubuo sa paggawa ng music video ng bagong kantang i-re-release ng Rai's. Sa loob ng auditorium hall ng isang unibersidad ang location site ng shooting. Pagdating niya ro'n ay nakita niyang kumakanta si Radcliffe sa stage na may makukulay na ilaw gaya ng sa mga disco bar. Mukhang solo ng binata ang parte na iyon ng kanta dahil hindi nito kasama sina Rykard at Rydell. Napangiti si Bee habang pinapanood si Radcliffe. Ah, there he was again in his all blackness glory. Alam siguro ng mokong na ang guwapo-guwapo nito kapag naka-itim. Pero bukod sa kaguwapuhan, takaw-pansin talaga ang husay nito sa pagpe-perform. Ang bi

