2nd Chapter

2975 Words
"YOU WANT me to kill myself?" nayayamot na tanong ni Bee kay Puma, ang features editor ng Baby Pink. Mas mataas ang posisyon nito, pero dahil magkaibigan sila, tinigilan na nila ang formalities. "No. I want you to convince Radcliffe McDonald to become Baby Pink's anniversary issue's cover boy," poker-faced na sagot ni Puma. "And of course, you have to do a one-on-one interview with him." Pinanlakihan niya ng mga mata si Puma. "But I can't stand Radcliffe! Alam mo namang may issue ako sa lalaking ipinalit sa Ryford ko, Puma." Alam ni Bee na nagiging illogical at unprofessional siya. Ang isang reporter na tulad niya, wala dapat arte sa kung sino o anong klase ng tao ang haharapin. Pero tao lang din naman sila, marupok sa pagiging biased kung minsan. "I know. But well, I'm your boss," walang emosyon na sagot ni Puma. "And Bee, you're the perfect choice for the task. Ikaw lang ang writer na close sa Rai's, kaya may tiwala akong magagawa mo ng maayos ang trabahong ito." Bumuntong-hininga si Bee. Dahil magkaibigan na sila ni Ryford simula high school, naging malapit siya sa McDonough Brothers. Minsan pa nga siyang napaaway sa isang hindi-sumikat na indie band nang sabihin ng vocalist niyon na walang kuwenta ang kanta ng Rai's. Pinatulan siya ng lalaki at muntik pang masapak kung hindi lang siya ipinagtanggol ni Ryford. Natuwa naman sa loyalty niya sina Rykard at Rydell kaya naging kaibigan na rin niya ang dalawa. Bilang tanda ng friendship nila, siya lang ang pinapayagan ng tatlo na mag-interview sa mga ito ng ekslusibo. Pero nagtayo ng pader ang McDonough Brothers simula nang kulitin ni Bee ang dalawa tungkol sa pag-alis ni Ryford sa banda. "Sinubukan mo na bang contact-in si Radcliffe McDonald?" paniniguro ni Bee. "Oo, kasama ko pa nga si Miss Tan nang puntahan namin si Radcliffe McDonald," ani Puma na ang tinutukoy ay ang editor in chief ng Baby Pink. "Pero tinanggihan niya kami. Hindi raw siya model. Kaya nga ikaw na ang nilapitan namin dahil alam naming malapit ka sa Rai's. Importanteng mapapayag natin siya dahil ilang buwan na lang, kailangan nang ilabas ang anniversary issue natin." Umungol si Bee. "Sino ba kasi ang may idea na si Radcliffe McDonald pa ang gawing cover boy ng Baby Pink?" "It was Barbie's idea," nayayamot na sagot ni Puma. Napangiwi si Bee. Si Barbie ang nag-iisang anak ng owner at publisher ng Baby Pink magazine. She was an eighteen year old brat who was also the leader of the famous girl group called "Barbie Dolls". Pero mas kilala ang dalaga dahil sa "boy toy collection" nito. Ginagawa nitong trophy boyfriend ang ilan sa mga baguhan, pero hot young actors sa showbiz. Sa tatlong taong lumipas, si Barbie na ang nagdedesisyon kung sino ang kukuhaning cover boy para sa anniversary issue ng Baby Pink. At dahil mommy's girl, laging nasusunod ang gusto nito. At naaaprubahan naman ng board ang taste ni Barbie sa pagpili ng modelo dahil matinik ang dalaga pagdating sa boy hunting. Tumaas ang kilay ni Bee. "So, si Radcliffe McDonald ang flavour of the year ni Barbie?" Gumuhit ang disgusto sa mukha ni Puma dahil gaya niya, hindi rin nito matagalan ang ugali ni Barbie. "Apparently, yes. She has her eye on Radcliffe the moment he was introduced to the public nationwide. Anim na buwan pa lang simula nang lumabas si Radcliffe, pero gustung-gusto agad siya ng mga tao, lalo na ng mga kabataan dahil sa "good guy image" niya. Kaya nakursunadahan din ni Barbie." "Kung gano'n kagusto ni Barbie si Radcliffe, bakit hindi siya ang kumausap sa lalaking 'yon? Ayaw niya 'yon, magiging close na sila?" naiinis na tanong ni Bee. Ipinaikot ni Puma ang mga mata. "You know Barbie. Gusto niya, sa isang kumpas lang niya ay may magtatrabaho na para sa kanya. And we can't do anything about it because she's our boss's daughter, and said boss has already approved her child's whim– I mean, idea." Hinawakan nito ang kamay niya. "So, please, Bee. Do this for Baby Pink. Inaasahan ka rin ni Miss Tan." "Pero –" "Ako na ang bahala sa interview. Ang kailangan mo lang gawin ay mapapayag si Radcliffe McDonald na maging cover boy ng Baby Pink," maagap na sabi ni Puma. "Hindi ko maipapangako. Hindi kami close ni Radcliffe McDonald." "Pero may utang siya sa'yo dahil sa nangyaring aksidente no'ng concert, 'di ba?" Napaungol uli si Bee. Nang nalaman ni Miss Tan ang nangyari sa kanya noong concert ng Rai's, ni-revise nito ang article niya at inanggulo iyon sa aksidente, at kung paanong personal pa siyang inalagaan nina Rykard, Rydell, at Radcliffe. Hindi rin nakatulong ang pictures na ibinenta ni Jolly kay Miss Tan nang buhatin siya ni Radcliffe nang mawalan siya ng malay. Wala siyang nagawa dahil alam naman niyang trabaho iyon ng best friend niya bilang professional photographer ng Baby Pink. Hindi nagustuhan ni Bee na na-post ang article at mga picture na iyon sa online version ng Baby Pink. Ang tingin tuloy ng netizens kay Radcliffe ay Prince Charming samantalang siya naman ang "masuwerteng" damsel-in-distress. "Hindi ko alam kung magkikita pa uli kami ni Radcliffe McDonald," katwiran pa rin ni Bee. "Uhm, are you talking about me?" Sabay na napalingon sina Bee at Puma sa nagsalita. And it was none other than Radcliffe McDonald himself, standing tall and gorgeous in his black get-up from head to toe, holding a bouquet of red roses. Dang. Ngumiti si Radcliffe, kay Bee lang deretsong nakatingin. "Hi, Bee." Binalingan ni Puma si Bee at tinaasan ng kilay. "Hindi pala close, huh?" Nakagat ni Bee ang ibabang labi. Ano bang ginagawa ng lalaking 'yan dito? Tumayo si Puma, may ngiting-tagumpay sa mga labi. "Mukhang tapos na ang usapan natin, Miss Bee Dolana. If you need anything, feel free to call me." Pagkatapos no'n ay umalis na si Puma. Saka naman lumapit si Radcliffe kay Bee at inalay sa kanya ang dala nitong mga bulaklak. "For you," nakangiting sabi ni Radcliffe. Kung hindi lang nakatingin at nakikitsismis ang mga kaopisina ni Bee, hindi niya tatanggapin ang mga bulaklak na 'yon. Tumayo siya at kinuha ang mga bulaklak, saka maingat na nilapag ang mga iyon sa mesa. "Thank you sa flowers. Hindi ka na sana nag-abala," pormal na sabi niya. Hayun na naman ang boyish grin ni Radcliffe na nakakaakit. "Nah, hindi naman abala 'yon." Tumingin si Bee sa kanyang relong-pambisig. Malapit na ang break time nila kaya puwede naman sigurong mauna siya ng konti. Sinenyasan niya si Radcliffe at sumunod naman ito sa kanya nang dalhin niya sa pantry para walang makarinig sa pag-uusapan nila. "Paano ka nakapasok dito? And how do you know I work here?" tanong agad ni Bee. Namulsa si Radcliffe, titig na titig sa kanyang mukha habang nakangiti. "I have my ways." Naningkit ang mga mata ni Bee. Sigurado siyang tinanong ni Radcliffe ang tungkol sa kanya kina Rykard at Rydell, at malamang ay nagpatulong pa sa magkapatid para mapuntahan siya. Pero bakit? "May kailangan ka ba sa'kin?" Himbis na sumagot ay dumukwang si Radcliffe sa kanyang harapan. Hindi na siya nakakilos nang hawakan nito ang kanyang pisngi at inspeksiyunin ang kanyang noo. Napangiti ito bago dumeretso ng tayo. "I'm glad the bump is gone." Napaatras si Bee. Sa ilang segundo na napakalapit ng mukha ni Radcliffe sa kanya, muntik na siyang hindi makapag-isip ng deretso. "Pumunta ka lang ba dito para i-check ang bukol ko?" Natawa ng mahina si Radcliffe. Dang, even his chuckle sounded good. "That, and to ask you out." Nanlaki ang mga mata ni Bee. "Ask me out?" Nagkibit-balikat uli si Radcliffe. "I think I owe you a lunch, since tinanggihan mo ang alok ko na ihatid kayo ng kaibigan mo no'ng isang gabi. Please, Bee. Payagan mo naman akong bumawi sa'yo." Nagpaawa ito ng mukha. "Please?" Nabigla si Bee sa pagiging cool at feeling close ni Radcliffe kahit tinataray-tarayan niya ito. He looked confident, but not arrogant. Pero hindi siya papatalo. Kaya rin naman niyang maging composed, lalo na sa harap ng kaaway. Tumikhim si Bee at humalukipkip. "Okay. Saan mo naman ako dadalhin kung sakaling pumayag ako?" Ikiniling ni Radcliffe ang ulo sa kanan. "May na-mi-miss akong kainan dito sa Pilipinas. Wala kasing gano'n sa Florida." And with his adorable boyish grin, he said, "Jollibee tayo?" *** MAG-BEST friend na sina Bee at Jolly simula pagkabata, idagdag pa na pareho sila ng birthday. Sa katunayan nga, dahil sa mga pangalan nila, madalas silang maging tumpulan ng tukso. Jolly. Bee. Kapag binanggit ng magkasunod, tunog-Jollibee na. But Bee and Jolly didn't mind. Pareho silang in love sa Jollibee. Noong eighteenth birthday nga nila, hindi sila sa hotel o sa bahay nag-celebrate. Nag-debut sila sa Jollibee Kiddie Party. Na-feature pa sila ni Jolly sa isang magazine dahil sa edad nilang iyon, ginanap ang pagiging dalaga nila sa pambatang lugar. Weirdo tuloy ang tingin ng mga lalaki kina Bee at Jolly, lalo na 'yong mga nag-aaya sa kanila ng date at sinasabi nilang sa Jollibee nila gustong kumain. Pinagtatawanan sila ng mga ito at binabawi na ang pag-aalok ng date, dahil isip-bata pa raw sila. "Kapag ikinasal ako, gusto ko dito sa Jollibee ang reception," sabi ni Jolly nang minsang kumakain sila sa paborito nilang fast food chain. Tumango naman si Bee. "Ako rin. Kaya kapag may umaya sa'kin sa Jollibee sa first date namin, siya na ang soulmate ko." *** "WELCOME to McDonald's!" Tumango lang si Bee sa pagbati ng crew na sumalubong sa kanila ni Radcliffe pagpasok nila sa McDo. Pagkatapos ay pumila sila sa magkatabing linya. Nilingon ni Bee si Radcliffe. Naka-hood na jacket ang binata, at may suot pang malaking sunglasses para marahil hindi makilala ng mga tao. Nakayuko rin ito para marahil mas lalong maitago ang mukha nito. "Okay lang ba kung dito tayo kumain?" tanong ni Bee kay Radcliffe. Mabilis na tumango si Radcliffe. "Okay lang. Pero akala ko, Jollibee ang gusto mo." Kumunot ang noo ni Bee. "Paano mo nasabi 'yan?" Nagkibit-balikat si Radcliffe, maluwang ang ngiti. "Nasabi kasi sa'kin ni Rydell no'ng nakaraan na bago kayo umuwi, nagpabili ka muna ng Jollibee meal. Kanina naman, napansin kong puro plastic ng Jollibee ang nasa ibabaw ng table mo." Nag-iwas ng tingin si Bee, hindi makapaniwala na napansin ni Radcliffe ang mga 'yon. "Masyado kang maraming napapansin. Gusto ko rin ng McDo, for a change." Ang totoo niyan, hindi mahilig sa ibang fast food chain si Bee. Pero hindi niya puwedeng dalhin si Radcliffe sa Jollibee dahil hindi niya puwedeng maging soulmate ang kaaway niya! Hindi rin maintindihan ni Bee kung bakit kay Radcliffe pa kailangang matupad ang sign. Marami namang lalaki ang nag-aya ng date sa kanya, pero sa tuwing tatanungin niya ang mga ito kung saan siya dadalhin, panay mamahaling restaurant ang isinasagot ng mga lalaki. Aaminin niyang iyon din ang inaasahan niya kay Radcliffe. Alam niya kasing mayaman ang pamilya nito at laki pa sa ibang bansa. "May I take your order, Ma'am?" nakangiting tanong ng service crew kay Bee. "Uhm, one piece chickenjoy with jolly spaghetti and creamy shake please," awtomatikong sagot ni Bee dahil iyon ang madalas niyang order-in. Napatingin si Radcliffe kay Bee, gano'n din ang ibang customer na halatang nagulat sa sinabi niya, ang iba nga ay natawa pa. Ang service crew naman ay napakurap-kurap. Nag-init ang mga pisngi ni Bee sa pagkapahiya. Hinawakan ni Radcliffe si Bee sa braso, saka ngumiti sa kanya. "It's okay, baby. I've got this. Maghanap ka na lang ng puwesto natin, okay?" Parang bata na napatango na lang si Bee. Ewan ba niya kung ano'ng meron sa malambing na boses ni Radcliffe ang nagpasunod sa kanya ng walang kahirap-hirap, gayong ayaw niya ng tinatrato na parang baby. And did he just call her 'baby'? Feeling close ang mama! Ilang minuto nang naghihintay si Bee sa pandalawahang mesa na iyon pero hindi pa rin bumabalik si Radcliffe. Nag-panic siya nang mapansing wala na ito sa pila. Hala! Iniwan na ba niya ko dahil napahiya siya dahil sa'kin? Ang sama talaga ng impaktong 'yon! Hindi dapat ako nagtiwa – "Hi, Ma'am. Kayo po ba si Miss Bee?" tanong ng lalaking service crew kay Bee. Tumango si Bee. "Yes, ako nga." Ngumiti ang service crew at nilapag sa mesa ang isang tray ng pagkain, at sinabing pinapasabi daw ni "Sir Rad" na babalik din ang binata, bago umalis. Nagsisimula nang mainip si Bee nang may sumulpot na supot na may malaking mukha ni Jollibee sa harapan niya. Nang tumingala siya ay sumalubong naman sa kanya ang nakangiting mukha ni Radcliffe. Naka-shades pa rin ito at nakatago ang ulo sa hood ng jacket. "Radcliffe..." Umupo si Radcliffe sa tapat niya, nilabas ang laman ng supot at nilagay iyon sa harap niya. "Here you go," nakangiting sabi nito. Bumaba ang tingin ni Bee sa mga pagkain sa harap niya. Iyon ang mga in-order niya kanina. Kung gano'n, lumabas pala si Radcliffe at naghanap pa ng Jollibee para lang ibigay sa kanya ang kine-crave niyang pagkain. Hindi naman bato ang puso niya para hindi maantig sa ginawa ng binata, kahit pa madalas niya itong sinusungitan. Nag-angat ng tingin si Bee kay Radcliffe. "Nagpunta ka pang Jollibee? Buti hindi ka pinagkaguluhan ng mga tao." Itinuro ni Radcliffe ang shades nito. "Naka-disguise ako. Saka sa drive thru naman ako bumili kaya wala namang nakakita sa'kin, maliban do'n sa crew na nag-abot ng order ko." Kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Bee. Talagang nag-effort pa pala si Radcliffe para lang sa kanya. "Thank you, Radcliffe." Halatang nagulat si Radcliffe sa pagngiti niya dahil napakurap ito. Pero nang makabawi ay ngumiti din ito. "Ah, you're going to give me a heart attack one day, Bee. Ang lakas pala ng dating ng ngiti mo." Umismid si Bee. "Binobola mo ba ko?" Nakangiting dumukwang si Radcliffe sa kanya, may kapilyuhang naglalaro sa mga mata nito. "I'll be honest with you, Bee. I like you. A lot. Nang gabi pa lang na mawalan ka ng malay, na-attract na ko sa'yo. Lalo na kapag tinatarayan mo ko. Ang cute mo kasi." Nag-init ang mga pisngi ni Bee sa deretsang pagtatapat ni Radcliffe. "I don't feel the same for you. Sorry." Nagkibit-balikat si Radcliffe, saka nagsimulang kumain. "Well, I just have to make you like me, right?" "Tinatanong mo ba ko kung puwede mo kong ligawan?" "Hindi. Kasi kapag tinanong kita, hihindi ka lang." Tumaas ang kilay ni Bee. Ayaw man niya, natutuwa siya sa pagiging confident ni Radcliffe. "Eh anong gagawin mo?" Again, Radcliffe flashed his adorable boyish grin. "We should probably start dating each other. Para mas makilala natin ang isa't isa." Tumaas ang isang kilay ni Bee. "Sino naman ang nagsabi sa'yong papayag akong makipag-date sa'yo?" "I just have to make you say 'yes' everytime I ask you out on a date. Before you know it, we're already exclusively dating," nakangising sabi ni Radcliffe, pero halata namang may halong biro iyon kaya hindi siya nayabangan. Ipinaikot ni Bee ang mga mata. "Well, I'll be honest with you, Radcliffe. Sumama lang ako sa'yo ngayon dahil may kailangan ako sa'yo." Tumaas ang isang kilay ni Radcliffe. "At ano'ng kailangan mo sa'kin?" "Gusto ng Baby Pink na ikaw ang maging cover boy para sa anniversary issue namin, kaya gusto kitang kumbinsihin. All you have to do is pose in front of the camera, and get ready for a one-on-one interview." Inaasahan ni Bee na madidismaya si Radcliffe na iyon lang ang dahilan kung bakit siya pumayag na mag-lunch out kasama ito. "Ikaw ba ang mag-i-interview sa'kin?" "Hindi. Si Puma ang mag-i-interview sa'yo, ang features editor ng Baby Pink. I'm sure kilala mo siya dahil naka-meeting mo na daw sila ng EIC namin." Tumango-tango si Radcliffe. "I believe I already said 'no' to them." "Kaya nga nandito ako to convince you. Alam kong nasabi na sa'yo 'to nila Puma, pero sinisiguro ko sa'yong makakatulong talaga sa publicity ng Rai's ang gagawin mong pagpo-pose para sa magazine namin. Kung hindi mo naitatanong, maganda ang imahe ng Baby Pink sa mga kabataan," pangungumbinsi ni Bee kay Radcliffe. She wanted everything to be done and over with as soon as possible. Sumipsip si Radcliffe sa softdrinks habang matamang pinagmamasdan siya. Bahagyang nailang si Bee dahil pakiramdam niya, kinakabisado ng binata ang bawat anggulo ng mukha niya. His stare was so intense! At ang cute ni Radcliffe habang may nakaipit na straw sa mga labi nito. "Staring is rude," reklamo ni Bee nang hindi na nakatiis sa tinatakbo ng isip niya dahil sa mga titig ng mokong. Nangingiting binaba ni Radcliffe sa mesa ang plastic cup bago muling nagsalita. "Papayag lang akong maging cover boy ng Baby Pink kung ikaw ang mag-i-interview sa'kin." Nasapo ni Bee ang noo. "Makulit ka rin talaga 'no?" "What? Working with you means being with you often. Hindi ko papalagpasin ang pagkakataong 'yon," nakangising sagot ni Radcliffe. Kumunot ang noo ni Bee, naiinis sa pagiging nonchalant ni Radcliffe sa lantarang pagpapakita niya ng disgusto rito. "Gano'n lang kadali?" Natawa ng mahina si Radcliffe. "You agreed to eat lunch with me today and you even smiled at me. Sapat ng kabayaran 'yon para sa hinihingi mong pabor." "Hindi pabor 'yon kundi trabaho," pagtatama ni Bee. "Babayaran ka ng Baby Pink. Pero kung alam ko lang na masaya ka na pala sa smile, pina-smile ko na lang sana sina Puma sa'yo. Hindi ba sila nag-smile sa'yo no'ng nag-meeting kayo?" Natawa si Radcliffe, mas malakas at mas buhay sa pagkakataong iyon. "Nah, I only want your smile, Bee. Walang halaga sa'kin ang ngiti ng ibang tao." Na-speechless si Bee, lalo na nang ngitian uli siya ni Radcliffe at binuksan pa ang Styrofoam ng pagkain niya para sa kanya. Mukhang hindi talaga ito apektado ng mga pagsusungit-sungitan niya. It seemed like he genuinely liked her. Mahirap palang kaaway ang taong sobrang bait na gaya ni Radcliffe McDonald.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD