HINDI naging maayos ang photoshoot dahil kay Barbie Mendiola. Matapos halikan ni Barbie si Radcliffe, biglang kinaladkad ni Rydell si Barbie palabas ng set na lalong ikinagulat ng mga naroon. Lalo na si Bee. No'n lang niya nakita ang tahimik at kalmadong si Rydell na magalit ng gano'n. Naalala pa niya ang palitan ng maaanghang na salita nina Barbie at Rydell. "What are you, a kissing machine? You just can't go around kissing boys as you like, Barbie," galit na sabi ni Rydell. "May I remind you that I am no longer your student, kaya wala kang karapatang pangaralan ako, Sir McDonough," mapait na sagot naman ni Barbie. "Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Barbie." "I really can't stand you, Rydell," tila napapagod na sagot ni Barbie, saka namaywang. "At ano bang ikinagagalit mo? Hindi b

