HINIHINGAL si Bee nang lumapat ang likod niya sa malambot niyang kama. Nanlalamig siya, lalo pa at nabasa siya ng ulan nang buhatin siya ni Radcliffe mula sa kotse nito, patakbo sa bahay ni Jolly. Tinakluban naman siya ng binata ng jacket, pero nabasa pa rin siya. Napabahin si Bee. "Dang, I'm sorry, baby," bulong ni Radcliffe habang pinupunasan ng tuwalya ang mukha niya. "I'm so stupid para hindi maglagay ng payong sa kotse ko. Nabasa ka tuloy. Baka lalong tumaas ang lagnat mo. Should I bring you to the hospital?" Natawa ng mahina si Bee. "Huwag ka ngang mag-panic, Radcliffe." Bumangon siya. Inalalayan naman siya ng binata. "Magbibihis lang ako..." Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Radcliffe. "Kaya mo ba?" Tumango siya. "Tantiyado ko ang katawan ko, Radcliffe." Tinulungan ni Radclif

