MALUNGKOT na minamasdan ni Benedict ang kabuuan ng kanilang bahay. Araw-araw ay umaasa siyang gigising siya na nariyan na ang kanyang mag-ina. Pero tulad pa rin kahapon. Nagising siyang mag-isa pa rin. Ganito pala ang pakiramdam na mawala sa'yo ang mga bagay na kasanayan mo na. Sobrang hirap. Hindi lang pamilya niya ang nawala sa kanya. Pati ang mga magulang niya at tiwala ng mga ito. Galit na galit ang kanyang ama sa kanya ganun din ang kanyang ina. Sabagay, sino ba naman ang matutuwa sa ginawa at kinahinatnan ng mga maling desisyon niya. Hindi niya namalayan na unti-unti nang pumapatak ang kanyang mga luha. Sa araw-araw ay wala siyang ginawa kundi magmukmok sa kanilang bahay. Wala siyang lakas ng loob na lumabas. At mas lalong wala siyang lakas ng loob na magpakita kay Celine matapos

