bc

Romancing The Cheating Husband

book_age18+
12.1K
FOLLOW
50.6K
READ
revenge
bxg
heavy
serious
betrayal
cheating
lies
affair
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Larawan ng isang masayang pamilya ang mayroon si Celine. Pero hindi niya inaasahan na mabubuwag ito nang dahil sa taong hindi niya lubos aakalain na tatraydor sa kanya.

Hanggang saan ang kaya mong ibigay alang-alang sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo alang-alang sa pamilya? Pero pano kung sukdulan na ang sakit? Kakayanin mo pa rin bang kumapit?

A story of love, betrayal and sacrifices. A story that will surely make you cry.

And this is the story of Celine, a wife and a mother, who will do anything to save her family.

chap-preview
Free preview
Prologue
NANGINGINIG ang buong katawan ni Celine. Isinara niya ang pinto ng kwarto. Muli siyang umupo sa sofa para kumuha ng suporta. Tila kakapusin siya ng hininga. Hindi niya sukat akalain na malalaman niya kung sino ang kabit ng asawa. Her husband and the b***h. "Oh, uminom ka muna ng juice para kumalma ka." Hindi niya napigilan muling maluha. The pain was unbearable. Maraming tanong sa kanyang isipan ang tumatakbo. Bakit? Paano? Kailan? Anong nagawa niya para gawin sa kanya ang bagay na ito? Gusto niyang isaboy ang juice na binigay nito sa makapal na pagmumukha ng babae--- basagin ang dulo ng baso at itarak sa leeg nito. Pero hindi niya gagawin iyon. May pinag-aralan siya. Hindi siya kailanman bababa sa level nito. What a pathetic scheming b***h! Hindi rin naman siya magiging masaya kung hindi nito matitikman ang kabayaran sa ginawa nito. Kinuha niya ang juice at ininom ito. Nagsusukatan sila nang tingin ni Sol. Tila kaysarap burahin ang ngisi nitong nakapaskil sa mukha nito. Nangangati ang mga kamay niyang saktan ito ng mga oras na iyon. "So, how do you feel right now?" ani pa nito. Bahagyang inayos ang suot nitong roba. Huminga siya nang malalim. "Medyo kumalma na. Thank you." "No problem." She flipped her hair. "Ano na ngayon ang plano mo?" Nanlilisik ang mga matang tinignan niyang muli ito. "Oras na malaman ko kung sino ang kabit ng asawa ko. Matitikman nito ang kahihiyang kailanman ay hindi pa nito nalalasap. Ibabaon ko siya ng buhay sa lupa. Sisiguruhin kong pagsisihan nito na ako ang kinalaban niya." Bawat salita ay may diin upang iparating dito na nagkamali ang kabit ni Benedict na siya ang kinalaban nito. Ngumisi ito at tumikwas ang kilay. "Really? Kaya mong gawin iyon?" nanunuyang saad pa ni Sol. Napabuntong-hininga siya. Totoo ngang sa panahon ngayon, sadyang makapal pa sa pader ang pagmumukha ng mga kabit. At isang patunay ang higad na nasa harapan niya. "Oo, at kung gugustuhin ko ay kaya kitang patayin ngayon din." Hindi niya isinatinig iyon. Bagkus, "makikita mo kung gaano kabagsik ang tunay at legal na asawa. Ang babaeng siyang tunay na may karapatan." Humalakhak ito. "Hmmm. Excited na ako sa plano mo. Well, tignan natin kung magtatagumpay ka." Tumaas ang kilay niya at ngumisi rin dito. Never had she imagined that talking to the mistress was this interesting. Lalo pa't mukhang walang alam ang gaga na alam na niyang ito ang malanding kabit ng asawa niya. "By hook or by crook, I'll win this battle. Makikita mo kung paano iiyak sa isang sulok ang bulok na babaeng iyon." Tumayo siya at inayos ang sarili. Tinignan niya ang direksyon ng kwarto ni Sol. "Oh sige, aalis na ako. Baka mamaya magising pa ang boyfriend mong sarap na sarap pa sa tulog at madatnan akong narito. Baka magulat iyon." Bahagya itong natigilan. Mukhang natauhan ito. Sunod-sunod na ang ginawang paglunok nito. Talagang dapat itong kabahan. Dahil ang sinasabing boyfriend nitong mahimbing na natutulog ay ang asawa niya. Ang asawa niyang buong magdamang niyang hinintay na umuwi ay nasa kandungan pala ng iba. "Mirasol Buenavista." The name of the b***h. The name of her bestfriend.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Be Mine Again

read
98.7K
bc

Broken Angel

read
3.8K
bc

Unwanted

read
510.3K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
453.9K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.2K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook