Story By Frustratedwriterx
author-avatar

Frustratedwriterx

ABOUTquote
CPA * FRUSTRATED WRITER * TRAVELLER "Never stop believing in hope because miracles happen everyday"
bc
Loving Andrew Sebastian
Updated at Mar 26, 2022, 00:38
"I am pregnant." Kita ni Kesha ang panlalaki ng mga mata ni Andrew. Hindi na siya nagulat sa nakitang reaksyon nito. "How?" tanong nito na tila punong-puno ng pagdududa. Unti-unti kumunot ang noo nito nang marahil ay napagtanto nito ang isang bagay. "Did you stop taking pills?" Napayuko siya. Sunod-sunod na mura ang narinig niya mula Andrew Sebastian, the man she loves the most. Masakit, sobrang sakit. Nadudurog ang puso niya. Akala niya ay mababago ang sitwasyon nila kung mabubuntis siya. Akala niya mababago niya ang isip at lalo na ang puso nito sa sandaling malalaman nito ang kalagayan niya. She took the risk. Sa huli, hindi rin pala siya ang pipiliin. "You know I love someone else, right? Malinaw sa'tin ang mayroon tayo, Kesha!" sigaw nito. "Alam ko. Gusto ko lang naman malaman mo ang kalagayan ko. But don't worry, walang makakaalam. Lalayo ako. Para sa'yo at para sa taong mahal mo." Iyon ang naging plano nila. But fate has different plan for them. Nalaman ni Axel Sebastian, kambal ni Andrew, ang kalagayan niya. At handa itong maging ama sa pinagbubuntis niya. Kung sanang ito nalang ulit ang mahal niya. Hindi siya sana nasasaktan nang ganito ngayon. Will she accept Axel's offer even her heart is still.... Loving Andrew Sebastian?
like
bc
Truth Behind Lies
Updated at Aug 23, 2021, 20:21
"What Reeva wants, Reeva gets." Iyan ang motto ni Reeva sa buhay. Kaya naman nang alukin siya ng kasal ni Luther ay hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin iyon. Matagal na rin naman niyang gusto ang lalaki. At oras na rin siguro para magtino siya sa isang relasyon. Akala niya ay bukal sa lalaki ang pag-alok nito ng kasal sa kanya at pareho sila ng nararamdaman nito. Pero sa mismong araw ng kasal nila. Luther dumped her. Pinahiya siya nito sa harap ng mga taong dumalo sa isa sana sa pinakamalaking kasalan na gaganapin sa taong iyon. He looked at her disgustingly. Tila natutuwa pa ito sa kahihiyang inabot niya. Itinakwil siya ng kanyang ama lalo pa't nalaman nilang buntis siya kay Luther. Kaya niya pa rin bang ipaglaban ang kanyang pagmamahal kung habang tumatagal unti-unting lumilinaw ang totoong dahilan ni Luther kung bakit nito nagawa iyon? Can the love she has for him overcome the heartaches he caused her?  --- Nagkatitigan sila ni Luther. Hindi niya sigurado kung namalikmata lang siya sa nakita niyang emosyon sa mga mata nito dahil segundo lang ay naging blanko ulit ang mukha nito. Nangingilid ang luha at bahagya siyang ngumiti rito. "S-sabi ng doktor maselan daw ang pagbubuntis ko." Napahawak si Reeva sa kanyang maumbok na tyan. "I can't lose this baby. H-hindi ko kakayanin." Pumatak ang mga luha niya kasabay nang kanyang pagyuko. "Kaya makiki-usap sana ako sa'yo Luther. P-please, just this one. Alang-alang sa baby ko, natin." Muli niyang binalingan ito na mataman lang na nakatingin sa kanya. "P-pwedi bang hanggang sa manganak ako, ituring mong m-mahal mo ako?" Sunod-sunod muli ang pagpatak ng kanyang mga luha. "P-pero kung hindi mo kaya. M-maiintindihan ko." "I'm sorry," sagot nito
like
bc
Seducing, Mr. Perfect
Updated at Aug 2, 2021, 06:00
5 MILYON. 5 milyon kapalit ng isang misyon. Nasasadlak ngayon si Thea sa isang kasunduan. Isang kasunduang kailangang MAPA-IBIG, AKITIN at higit sa lahat ay SAKTAN ang isang lalaki. Isang lalaking alam niyang lahat ng kababaihan ay pinapangarap at hinahangad siya. Si William James Villamonte, ang kilalang player ng kanilang Unibersidad. Isang certified babaero/mayabang/barumbado. Pano nga ba siya napapayag pumasok sa kasunduang ito? Ni sa hinagap ay hindi niya kailanman ninais na madikit kay William, kinasusuklaman niya ito ng higit kanino pa man. Hindi naman kasi lingid sa kanya ang mga balitang marami ng babae ang pinaiyak nito at matapos gamitin ay basta na lang binalewala. Hinding-hindi siya matutulad sa mga 'to. Magsisimula na ang nagbabagang laro sa pagitan nila ni William. Isang laro na hindi niya inaasahang magpapabago ng tingin niya sa lalaki. Dahil ng lubos niyang makilala ito ay hindi sinasadyang mahuhulog din ang loob niya para rito. Pero pano niya kukunsintihin ang sarili kung nakalagay sa kasunduan na hindi siya pweding umibig sa lalaki? ABANGAN!!!!!!!!!
like
bc
Romancing The Cheating Husband
Updated at May 11, 2021, 07:04
Larawan ng isang masayang pamilya ang mayroon si Celine. Pero hindi niya inaasahan na mabubuwag ito nang dahil sa taong hindi niya lubos aakalain na tatraydor sa kanya. Hanggang saan ang kaya mong ibigay alang-alang sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo alang-alang sa pamilya? Pero pano kung sukdulan na ang sakit? Kakayanin mo pa rin bang kumapit? A story of love, betrayal and sacrifices. A story that will surely make you cry. And this is the story of Celine, a wife and a mother, who will do anything to save her family.
like
bc
When The Billionaire Fell with The Prostitue R-18 Completed
Updated at Jun 21, 2020, 06:13
Billionaire Series 1: She has an alluring sexy body--- the Goddess of Venus club. But her world seems to change when she met Dominic Sebastian--- a famous business tycoon and multi-billionaire bachelor. “Give me a child and I’ll pay you 10 million.” “And why would I do that? Hindi kita mahal at mas lalong hindi kita asawa para pumayag sa gusto mo!” mataray niyang sagot. “Marry me then.” Napatunganga siya sa sagot nito. Niyaya siya nitong magpakasal? Ano bang tumatakbo sa isip nito? Andaming babae ang nagkakandarapa rito at bakit siya pa ang napili nito? Na-challenge ba ito sa kanya dahil natapakan niya ang ego nito? Hindi naman ikinakaila ni Gianna na unang kita niya palang sa lalaki ay ibayong dagundong ng puso ang naramdaman niya. She’s not the typical woman na madaling mabighani sa panlabas na anyo. Pero iba ang karisma ni Dominic, tingin palang nito sa kanya ay kumakabog na nang husto ang puso niya. His presence was far different to her other customers. At napatunayan niya pa iyon nang halikan siya nitong mariin sa labi. It was her first kiss. Hindi siya kailanman nagpahalik sa kanyang mga customers at mas lalong hindi siya nagpapatake-out kahit malaking pera ang ibayad sa kanya. At ang prinsipyo niyang iyon ang magiging sandigan niya para hindi-an ang alok ni Dominic. Hindi siya aso o baboy na a-anak-an na lang basta. Ngunit sadyang mapilit ang lalaki. Talagang gumagawa ito ng paraan para gipitin siya at pumayag sa alok nito. He wanted to play with her? Pwes! Ibibigay niya ang larong gusto nito. Ano kaya ang magiging kapalaran niya sa kamay ni Dominic?
like