bc

Seducing, Mr. Perfect

book_age18+
632
FOLLOW
1.6K
READ
billionaire
opposites attract
playboy
arrogant
dominant
CEO
student
drama
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

5 MILYON.

5 milyon kapalit ng isang misyon. Nasasadlak ngayon si Thea sa isang kasunduan. Isang kasunduang kailangang MAPA-IBIG, AKITIN at higit sa lahat ay SAKTAN ang isang lalaki. Isang lalaking alam niyang lahat ng kababaihan ay pinapangarap at hinahangad siya.

Si William James Villamonte, ang kilalang player ng kanilang Unibersidad. Isang certified babaero/mayabang/barumbado.

Pano nga ba siya napapayag pumasok sa kasunduang ito? Ni sa hinagap ay hindi niya kailanman ninais na madikit kay William, kinasusuklaman niya ito ng higit kanino pa man. Hindi naman kasi lingid sa kanya ang mga balitang marami ng babae ang pinaiyak nito at matapos gamitin ay basta na lang binalewala. Hinding-hindi siya matutulad sa mga 'to.

Magsisimula na ang nagbabagang laro sa pagitan nila ni William. Isang laro na hindi niya inaasahang magpapabago ng tingin niya sa lalaki. Dahil ng lubos niyang makilala ito ay hindi sinasadyang mahuhulog din ang loob niya para rito.

Pero pano niya kukunsintihin ang sarili kung nakalagay sa kasunduan na hindi siya pweding umibig sa lalaki?

ABANGAN!!!!!!!!!

chap-preview
Free preview
SMP - Prologue
"ARGHH!!!" Napahawak ng sintido si Thea. Kung pwedi nga lang na i-untog niya ang ulo sa pader na nakadikit sa kama niya ay ginawa na niya. Minulat niya ang kanyang mga mata. Nagulat pa siya nang mapagtantong nasa sariling silid siya. "A beba teka. Pano ako napunta rito?" naguguluhang tanong niya sa sarili. Ang pagkakatanda niya kasi ay nasa isang bar sila kagabi dahil brokenhearted ang best friend niyang si Era. Kaya pa'nong nangyari na bigla na lang siyang napunta sa sarili niyang kwarto? Sino ang naghatid sa kanya? "Baka si Era," mahinang usal niya. Hindi naman kasi siya sanay uminom. Kung tutuusin ay 'yon dn ang unang beses siyang tumikim ng alak. Hindi niya lang talaga ma-hindi-an ang kanyang best friend at kahit paano ay nag-alala siya na baka kung ano pa ang maisipang gawin nito. Kung bakit kasi pagkatapos tumungga ng isang kopita ng margarita ay bigla na lang siyang nahilo at ayun--- wala na siyang matandaan sa mga nangyari. "Arggghh!" muling usal niya ng kumirot uli ang ulo. Para siyang tinutusok ng mga karayom. "Talaga naman kasi si Era, eh! Ang kulit sabi ko ng hindi talaga ako umiinom. Makakatikim siya sakin 'pag nagkita kami" Tumayo siya sa kamang hinihigaan niya at sapo ang ulo na tinumbok ang palabas ng kanyang kwarto. "Nakung bata! Halika na dito at mananghalian ka na!" bungad ng kanyang ina. Mananghalian? Teka anong oras na ba? Sinipat niya ang maliit na orasan na nakalagay sa tabi ng maliit nilang T.V. At halos mapalundag siya nang makitang pasado alas-dose nang tanghali. Iyon ang unang beses siyang gumising na ganun kadis-oras. "Pasensya 'nay. Hindi pa po yata kayo nakapagtinda sa palengke ng dahil sakin." "Ano ba kasing iniisip mo at bakit naglasing ka ng ganun?" may galit na himig ng kanyang ina. "Si Era po kasi niyaya niya ako sa isang disco bar. Hindi ko naman pweding iwanan mag-isa ang loka-loka baka anong maisipang gawin. Broken-hearted kasi nalamang may iba ang jowa niya. Ayun! Alak ang drama niya," sagot niya. Hinila niya ang isang upuan at tinignan ang pagkaing nakahanda. Napa-taas ang isang kilay niya. Tinolang manok ang ulam nila. Di yata't medyo umaasenso na sila pati noong isang araw ay adobong baboy ang nakahain. Madalang lang silang ganun ang ulam dahil kalimitan ay kapos sila. Siya si Tifanny Hershey E. Alcantara, o mas kilalang Thea. Nag-aaral sa isang kilalang unibersidad dito sa Maynila. Tubong Tarlac sila. Napilitan silang umalis doon dahil na rin sa mapang-matang kamag-anak nila. Kaya't dito na sila nakipagsapalaran. Sa taglay niyang talino ay nakakuha siya ng full scholarship. Buti na lang at hindi siya ni-require maging student assistant. Pero paminsan-minsan ay tumutulong siya sa mga school activities ng kanilang Unibersidad. Nagsikap siya para kahit paano naman ay maiahon niya ang ina sa kahirapan. Isang semester na lang ay magtatapos na siya sa kursong BS Accountancy. Hindi naman kasi lingid sa kanyang kaalaman na mas madaling makakuha ng trabaho once na isa kang Certified Public Accountant. Yun nga lang kailangan mo talagang magsunog ng kilay dahil hindi basta-basta ang kursong kinuha niya. "Kayo talagang mga bata kayo! Naku Thea, wag kang masyadong magasta. Graduating ka na. Alam mo naman 'pag malapit na ang graduation ang daming dapat bayaran." Paalala ng kanyang ina. "Si Era naman po ang gumastos kagabi," sagot niya habang sumasandok ng kanin. "Teka nga, Era ka nang Era diyan! Eh, sino yung lalaking naghatid sa'yo kagabi?" Muntik na siyang masamid nang marinig ang tanong ng kanyang ina. "Nay, anong lalaki naman ang sinasabi niyo? Hindi ba si Era ang naghatid sa'kin?" "Kailan pa naging gwapong lalaki si Era, aber?" nakataas na kilay na balik ng kanyang ina. Napakanoot ang noo niya. Gwapong lalaki? Gwapong lalaki ang naghatid sa kanya sa kanilang maliit na tirahan? "Baka ho nagkakamali kayo, nay!" pangungumbinsi pa niya. Wala naman kasi siyang kilalang gwapong lalaki maliban kay Demver, pero impossible namang ito ang tinutukoy ng ina niya at higit sa lahat si Era lang naman ang kausap niya sa kanilang unibersidad kaya pano'ng isang gwapong lalaki ang maghahatid sa kanya? At kailangan may gwapo talaga? Talagang itong inay niya'y paminsan hindi niya maintindihan. "Hoy, bata ka! Wala pa naman akong alam na sakit na nag-iiba ang tingin nang isang tao, yung babae magiging lalaki sa paningin ko? Ano 'yun guni-guni ko lang? Kung boyfriend mo 'yon ay ayos lang naman sakin. Bukod sa gwapo na, mabait at maginoo pa," litanya nito at nakangiti pa ang matanda sa kanya. "Naku nay tigilan niyo ako sa boyfriend-boyfriend na 'yan. Wala yan sa isip ko. Pag-aaral lang po ang uunahin ko." "Aba malay ko ba sa'y---" "E, sino naman daw po ba siya?" ani Thea. "Ano nga bang pangalan nung batang iyon! Teka lang, alalahanin ko. Lian?" "Lian? Pangalan ba nang lalaki 'yon? Tsaka wala akong kilalang Lian." "Teka lang 'di Lian, meron siyang sinabi. Pero malapit nasa Lian. Sige malay mo pumunta uli siya rito. Sabi ko kasi sa kanya dalaw siya rito minsan kapag nasa matino ka ng kondisyon. Tatanungin ko ang pangalan niya." Kamot-kamot pa ng ina niya ang ulo na animo'y pilit inaalala ang lalaking naghatid sa kanya. "Naku 'nay wag na kayong umasa. Una, wala akong kaibigang lalaki sa school namin. Pangalawa allergic ako sa kanila hangga't nag-aaral pa ako." "Allergic? Eh, anong tawag mo kay Demver? Huh!" sabat ng kanyang kabilang utak. Si Demver kasi ang isa sa mga kaklase niya na hindi lang gwapo, matalino at mabait pa. Nahihiya lang siyang kausapin ito dahil nga ay may paghanga siya rito. Halos nga lumundag ang puso niya sa tuwing nakikita niya itong nakangiti. Yun nga lang hindi sa kanya. Kung hindi sa ibang kaklase niya. Kaya minsan ay napapasimangot siya. Pero ayos na iyon kaysa naman hindi masilayan ang makalaway na ngiti nito. "Oo na. Hindi naman kasali iyon. Exemption iyon," sagot niya sa sarili. "Bahala ka nga! Pinapaalala ko lang Thea, gusto ko rin magka-apo baka mamaya puro ka na lang pag-aaral. Sayang ang ganda mo. Naku kung nagkatuluyan lang kayo nung gwapong batang iyon. Tiyak! Magaganda't gwapo ang magiging anak niyo." Napangiwi siya nang mapagtantong tila isang teenager na nangangarap ang kanyang ina. "Nay, bat di kayo nagtinda sa palengke?" pagpapalit niya ng topic. "Eh, nahilo kasi ako kanina bumaba yata ang 'BP' ko. Sayang nga iyong kikitain sana. Pero hindi ko kinaya. Buti na lang nandun si Baldo kanina, nakisabay na lang akong umuwi sa kanya." "Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Pahinga din kasi pag may time. Gusto niyo bang magpa-check-up?" nag-aalalang tanong niya. "'Wag na! Gastos lang iyan. Papasa'n pa at mawawala din ito mamaya" "O kayo po ang bahala. Pero 'nay kapag hindi niyo na kaya magsabi lang kayo. May naitabi pa naman akong pera. Magpatingin kayo." "Oo. Ikaw talaga. Kaya mahal na mahal kita." Nakangiting baling nito sa kanya. "O siya! Ako na ang magliligpit dito at magpahinga muna kayo. Tutal sabado naman ako muna ang bahala sa bahay natin. Mag-o-overall cleaning ako." "Akala mo naman kalakihan itong bahay natin. Eh, hindi na nga tayo halos makakilos dahil sa sobrang liit," natatawang saad ng ina. "Hayaan niyo na. Panira kayo ng moment," maktol niya. PAGKATAPOS maglinis at makaligo ay humiga muli si Thea sa kama. Medyo kumirot pa rin ang ulo niya pero hindi na tulad ng kanina. Dala lang rin siguro ng init ng panahon. Napatingin siya old model na cell phone niya nang maramdamang nagba-vibrate ito. Tinignan niya kung sino ang tumatawag. "BES!!" Muntik na niyang ibalibag ang hawak niya sa lakas ng boses ng kaibigan niyang si Era. "Sabi ko na nga ba kaya't nawawala yung mega phone sa school, nilunok mo eh! Anyway, kumusta ka nga pala? Kung makasigaw ka parang hindi ka broken hearted. " "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan! Kumusta ka? Nakauwi ka ba nang maayos? Hindi kita agad natawagan dahil kagigising ko lang. Bigla ka na lang nawala kagabi, sabi ko hintayin mo ako at mag-si-cr lang ako. Pagbalik ko wala ka ng gaga ka!! Pinag-alala mo ako," mahabang litanya nito. "Oo. Paggising ko nga kanina nasa bahay na ako. Wala akong matandaan kagabi maliban lang dun sa uminom ako ng alak tapos nakaramdam ng hilo. Tapos wala na." "Wala kang matandaan?! As in W.A.L.A?" naghuhumirenteng tanong ni Era na tila hindi ito naniniwala sa kanya. "Wala nga kakasabi lang di ba?" kunwari ay inis niyang tugon. "Deny ka pa diya'n. Sarap na sarap ka ngang sumayaw kagabi. Sabi ko samahan mo akong mag-moment nakatikim ka lang ng alak nagsasayaw ka na. Ganun ba talaga ang epekto ng alak sayo?" Humagikgik pa ito Siya nagsasayaw? Mukhang hindi naman ata totoo 'yon. Una ay hindi siya marunong sumayaw. Pangalawa, ganun pa rin, hindi talaga siya marunong sumayaw kaya't papanong nagsasayaw siya kagabi? Napalunok siya. Imagining herself dancing in the middle of the crowd ay talaga namang kahindik-hindik. "O ano naalala mo na?" "Hindi pa rin." Bumuntong hininga siya. Kung bakit ba naman kasing wala siyang maalala sa mga nangyari kagabi. Baka kung ano pa ang mga pinag-gagawa niya bukod sa nagsasayaw siya. "Tsaka isa pa, nandun rin si Baby Boy ko. Kung hindi ako nagkakamali nang tanggihan mo akong samahan ng CR, eh, palapit siya sa'yo. Kundi lang talaga ako naiihi malamang nakumpirma ko." She rolled her eyes. Kilala niya ang tinutukoy nitong Baby Boy. Si William James Villamonte, ang pinaka-kasusuklaman niyang tao. Hindi nga niya maintindhihan ang kaibigan kung bakit patay na patay ito sa babaerong iyon eh. Well, not everybody has same perception. And she can't deny the fact that the guy she despised the most, is one of the hot s***h good-looking s***h MVP sa kanilang Unibersidad. 'Yun nga lang talagang hindi siya interasado rito. "Hindi ka na sumagot d'yan. Baka talagang nilapitan ka niya at ayaw mo lang ipaalam sa'kin. Baka siya rin ang naghatid sa'yo? Ikaw, huh? naglilihim ka na sakin. Hindi naman ako magagalit at least sayo siya mapupunta kaysa naman sa iba," tanong ni Era ng hindi siya agad nakasagot. Marahas siyang napa-buntong hininga. Kung nandito lang ang kaibigan niya ay nakutos na niya ito. "Will you please stop thinking nonsense thoughts? Parang hindi mo naman alam kung gaano ang galit ko sa lalaking 'yon." "Okay. Whatever. But remember, the more you hate the more you love!!! Ayiiii!!!" "Alam mo magkita na lang tayong sa Lunes nang maidikdik kita sa lupa. Anu-ano ang mga iniisip mo. Para kang baliw. Wag mong masyadong dibdibin ang lalaking iyon. He's not worthy of your love. Bye!" Pinatay na niya ang tawag. Kung ano-ano na lang kasi ang pinagsasabi ni Era. Pero pano kung totoo ngang nilapitan siya ni William? At pano kung ito rin ang naghatid sa kanya. Maloloka yata siya isiping iyon. Hindi yata siya makakapayag. Kahit lasing siya. Tiyak na mawawala ang lasing niya oras na makita niya ang pagmumukha ng lalaking iyon. Ganun ka-active ang sistema at pakiramdam niya pagdating kay William. Marinig nga lang niya ang pangalan nito ay nag-aalburoto na siya. And never in her dreams na naisip niyang madikit kahit gahibla sa lalaking iyon, ganun siya kamuhi rito. To think na wala namang ginagawang masama ang lalaki sa kanya. TAMA BAKIT NGA BA SIYA GANON KAGALIT SA LALAKI GAYONG WALA NAMAN ITONG GINAGAWA SA KANYA? BASTA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook