SMP - Chapter 1

1897 Words
Thea POV Nagkakagulo na naman sa loob ng campus ang mga haliparot na kababaihan pati na rin ang mga feeling babae. As expected, papasok na naman ang feeling hari. Sino pa nga ba kung 'di William James Villamonte kasama ang alipores niyang hindi ko naman alam kung saang lumapalop niya kinuha. Sa araw-araw yatang pinanganak siya ng Diyos, hindi kaya siya nagsasawang tilian ng mga ibang estudyante? And why he would? Siguro sarap na sarap siyang pinagkakaguluhan. Madali nga naman para sa kanya ang makapang-biktima ng flavor of the day niya. Yes! You heard me right. Halos araw-araw yata ay iba-iba ang mga babaeng nadidikit sa kutong-lupa na iyan. Except me. Hinding-hindi ako papatol sa kanya. "Bakit gusto ka ba niyang patulan? Siguro yun ang pinuputok ng butsi mo 'no? Hindi ka kasi niya pinapansin," My inner goddess said in front of me as if she knew everything. At bakit ko naman pangangarapin na patulan ng isang William James Villamonte? Para ano? Paglaruan? Tapos ano? Iiyak ako dahil umasa ako sa wala? There's no freaking way. Naglakad na ako sa hallway para pumasok na sa classroom. Baka makita pa niya ako at sabihing nakikitili rin ako. Kapal niya!! Asa siya. Over my deadly gorgeous body. "Bitter?" sabad ng kontra-bida kong utak na hindi ko naman pinansin. Wala namang ibang gawin yan kung hindi bwisitin ako. Magsama sila ng kutong lupang iyon. "Bes!!! Teka lang! Para ka namang walang naririnig, eh," humahangos na sabi ni Era. Buti na lang ang maaga siya at hindi siya late. Himala? "Oh, bakit ba? Himala yatang hindi ka na-late. Kunsabagay wala ka na rin naman palang pagkakapuyatan. Break na nga pala ka----" hindi ko na tinuloy dahil umasim na kasi ang mukha niya. Gumaganti lang naman ako nang asar-asarin niya ako noong Sabado. Di ba pweding gawin iyon? Nasan ang katarungan? "Sige ipaalala mo pa." Era rolled her eyes. "Gaga! Dyino-joke lang kita. Sensitive? Eh, noong sabado muntik mo na yatang kalimutan na broken-hearted ka nung asar-asarin mo ako roon sa kutong-lupa na iyon," pampalubag loob ko sa kanya. Mahal ko yan. Kahit kasi malayo ang estado ng buhay namin ay hindi naging hadlang iyon para maging magkaibigan kami. "Okay." "Alam mo kasi wag mo na siyang isipin." "Hay nako! Parang ganun naman kasi kadali iyon 'no? 'Pag ikaw umibig. Doon mo malalaman kung gaano kasakit kapag naghiwalay kayo." "E di hahanapin ko yung talagang mahal ako. Para nang sa ganun 'di ko maramdam yang ka-dramahang ginagawa mo ngayon." "Wag na nga nating pag-usapan yan. Nai-stress lang ako. Tumanda na nga ako sa mga subjects natin dumagdag pa 'yan." "Ayan ganyan dapat! Wag kang papa-apekto. Sayang ang ganda natin." Inalog-alog ko pa ang ulo sabay taas ng mga kilay ko. Natawa naman ito sa ginawa ko. "Tara na nga. Buti na lang nandyan ka." "Ako pa?" natatawa kong sagot nang mapagtanto ang ka-kenkoyang ginawa ko. "THEA." Halos lumundag ang puso kong marshmallow nang marinig ang tinig na iyon. Ayaw kong humarap. Baka mapahiya lang ako. Kasama ko si Era papuntang school canteen. Kakatapos lang ng tatlong subjects namin. "Hoy tawag ka! Ano bingi lang? Natulala ka pa diyan," bulong ni Era sakin. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko. At parang gusto kong ikanta yung komersyal ni Kendra na. Is it real? Is it real? "Thea, hay, buti naabutan kita," humahangos na saad ni Demver. So ako nga talaga ang pakay niya? Bakit? May kailangan ba siya? "Ah, ako?" Diretso pa rin ang tingin ko. Parang gusto ko na yatang lamunin ng lupa. "Oo, sasabay na sana akong kumain sa inyo. 'Yon ay kung okay lang." My heart starts to beat fast. Si Demver? Ang lalaking matagal ko ng crush sasabay saming magmeryenda? Aba kung panaginip ito wag na sana akong magising. "Ah, eh." Shet! Ba't ngayon pa kasi ako mawawalan nang sasabihin. I made a questioning look to Era. Asking for help. Yung mga brain cells ko sa'n na ba nagsipunta? "Ano okay lang ba? Pero sige kung ayaw niyo. Ayos lang," malumanay na sabi ni Demver. Bigla yatang bumalik sa normal heartbeat ang puso ko. Aba'y hindi naman pweding palampasin ko ang pagkakataong ito. Akmang tatalikod na siya ng hawakan ko ang braso niya. "Teka, wala naman kaming sinasabing ayaw namin, eh. Honestly, gusto nga namin makasabay ka." Gusto kong tumambling ng mga oras na iyon. Akalain mong nasabi ko yun? Wow! great! "That's good to hear. Matagal ko na rin kayong gustong maka-usap at makasama. Kaso nahihiya lang akong lapitan kayo." Pakiwari ko ay namula ang mga pisngi ko. "Ah." I took a deep breath. Gusto kong maglulupasay. Ito na iyon, eh. Iyong matagal ko ng pamgarap. "So let's go? Dami niyo pang sinasabi d'yan. Gutom na kaya ako!" sabat ni Era. Kumindat ito sa akin. Marahil ay kinikilig din tulad ko. Alam naman niya kasing patay na patay ako kay Demver, eh. Humanap kami nang mauupuan. As usual, puno na naman ang canteen buti na lang may mga grupo ng mga kalalakihan ang tumayo at yun ang inukopa namin. "So, anong gusto niyo? My treat," tanong ni Demver. "Naku huw---" bago pa ako makatutol ay naunahan na akong magsalita ni Era. "Tacos at orange juice na lang sakin at siomai at ice tea na lang ang kay Thea. Kung di mo natatanong, favorite niya iyon." Ngumisi pa ito kay Demver. Nanlaki ang mga mata ko. Di ba siya nahihiyang magpalibre dun sa tao? "Okay. I got it. Just wait me here." He looked and he smiled at me. Ayun naman yung ngiti niyang di ko kinakaya. Umalis na si Demver nang tinusok-tusok ni Era ang tagiliran ko. "Uy! Umamin ka kinikilig ka no? Langya! Nawalan ako ng jowa tapos ikaw naman itong biglang nagkaroon. Pero masaya naman ako para sa'yo. At least you're one step closer," tudyo niya pa sakin. Humarap ako sa kanya. "Gaga! Anong one step closer ang pinagsasabi mo. Tsaka hindi ka ba nahiya na magpalibre sa tao?" "Hindi. Nagkusa naman siya. And we didn't ask for that. Kaya pasalamat ka na lang, 'noh?" She rolled her eyes again. Nasa kalagitnaan kami nang pag-uusap ni Era ng bigla na namang magtilian ang mga estudyante. Tumingin ako sa paligid. Alam ko na kung bakit bigla-bigla na lang tumitili ang mga ito. Automatic na yata ang bibig nila kapag dumarating o nakikita nila si William. Sa 'di inaasahang pagkakataon. Para akong naging tuod sa kinauupuan ko. He was looking exactly where Era and I sitting. At kung di ako nagkakamali sakin mismong mga mata siya nakatingin. No! It can't be happenning. Kailangan kong gumawa ng paraan. Tinaasan ko siya ng isang kilay but still he was looking intently at me. At ano yung nakikita ko? He was smiling? As if amused na amused siya sa nakikita niya. Tinignan ko uli siya ng masama. Hindi niya ako makukuha sa mga ganyang tingin. Never in my entire life. Ako na ba ang next target niya? Pwes, umasa siya. "Hey." Si Demver na kadarating lang pala. Dala na rin yung pagkain namin. Dun ko muling narinig ang sigawan ng mga estudyante na pilit pinapaupo si William sa tabi nila. Saglit akong nawala sa sarili? No way! Swerte naman ng hari ng school. Kulang na lang sambahin siya ng mga kapwa niya estudyante. Siguro pumapalakpak na naman ang mga tainga niya sa naririnig niya. "Thea, are you still with us?" tanong Demver na nagpabalik sakin sa realidad. "Oh yeah. May sinasabi ka ba?" "Tssk. Wala. Sabi ko maganda ka," nakangiting saad niya tapos ay kinindatan pa ako. Ano ba naman ang nangyayari ngayon? Yumuko na lang ako. Pakiramdaman ko kasi ang pula-pula na ng mukha ko. Yung kaninang init ng ulo ko nang makita si William ay unti-unti nang nalusaw. Buti na lang nandito si Demver. Ikaw ba naman sabihan ng ganun plus may ngiti at kindat mula sa crush mong matagal na. Anong magiging reaksyon mo? Ayaw ko nang matapos ang sandaling 'to. Kahit nandiyan lang sa paligid ang kalaban. Kalaban talaga, eh? "Kumain na lang nga tayo. Maya na lang yang harutan niyo," saway ni Era. Bitter lang yan kasi wala siyang jowa. Tumingala na ako and I accidently looked kung saan nakatayo si William kanina. And to my surprise he's still standing there but the way he looked at me. Parang iba na. I don't know what it is. Pero iba talaga sa nakita ko kanina. Buti naman at natauhan siya. Di siya uubra sakin. Akala niya makukuha niya ako sa ganung tingin? I rolled my eyes in exasperation. Teka nga? Ba't ba siya ang iniisip ko? Pakielam ko ba sa kanya. "SO, PWEDI na akong sumabay sa inyo during break time?" Demver asked me while we're heading to our classroom. Era's still quiet paminsan-minsan ay binabara ang pag-uusap namin ni Demver. I know defense mechanism niya lang iyon para siguro mawala sa isip niya ang ex-bf niya. "Oo naman," sagot ko kay Demver. Nagningning ang mga mata nito. "Finally, nakausap din kita, and I'm very happy. Para kasing ang sungit mo tuwing nginingitian kita. Hindi mo man lang ako nginingitian pabalik," may himig ng pagtatampong saad niya. Napakurap-kurap ako nang marinig ang mga sinabi niya. So ako yung nginingitian niya dati? The hell! Ba't di ko man lang naisip 'yon? Malay ko ba kasing ako yun, sana man lang binigyan ko siya ng mala-Carla-Abellana-killer-smile ko. Kaya minsan napapasimangot na lang ako dahil akala ko ay sa mga kaklase kong babae lang siya ganun. Napangiwi ako at pilit pinapakalma ang sarili. Gusto kong magtatalon sa kilig. "Sorry. Akala ko kasi..." "Don't be sorry. Ayos lang 'yon. What's important, we're friends now. Almost four and a half years ko na ring hinintay ang pagkakataong ito. Kaya hindi ko na palalampasin, baka makuha na nating g-um-raduate eh hindi ko man lang na-try makipag-usap sayo. Lalo pat limang buwan na lang. Magtatapos na tayo," pahayag niya. Para akong nabingi sa narinig ko. Almost four years? Eh, ibig sabihin mula 1st year ay nakikita na niya ako? Kasi ako 2nd year palang nung magkacrush ako sa kanya. It was started ng maging kaklase ko siya until now ay hindi rin nawawala ang paghanga ko sa kanya. Buti na lang ngayong 5th yr at kokonti na lang kami ay nagkalakas na siya ng loob. Kasi kung ako ang tatanungin. Hindi talaga ako lalapit sa kanya. Kahit gustong-gusto ko na talaga. "So ba't di mo pa direstuhin Demvs? May gusto ka ba sa kaibigan ko?" tanong ni Era bago kami tuluyang makapasok sa loob ng classroom. Kung nakakabingi ang siniwalat ni Demver mas nakakabingi ang tanong ni Era. Sa'n ba niya nakukuha ang mga ganung ideya? Parang sasabog ang dibdib ko. Pano kung. Pano kung iba ang isagot niya sa gusto kong marinig? Hindi ko yata kakayanin. Gusto kong bigwasan si Era. Kahit kailan talaga mga kalokohan ng gaga, eh, wala sa lugar. Talaga namang babaeng ito. Ibitin pa ako sa ere ng patiwarik. "Ah kas---" Napakamot ng batok si Demver sabay napayuko. What is that? Is he blushing? Tumawa ako kunwari. Ang akward kasi ng atmostphere. "Tara na nga! Kailangan ko pang mag-scan ng subject natin." Kita ko kasi ang hindi pagka-komportable ni Demver. And I'm not yet ready to hear kung ano man ang sasabihin niya. Pano na lang kung sabihin niyang may gusto nga siya sakin. Naku lang baka hindi ako g-um-raduate nito at baka siya na lang ang atupagin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD