"HEY, gising ka na pala. Sandali na lang ito at maluluto na," ani Benedict kay Celine. Inalayayan siya nitong umupo. "Kaya ko na!" aniya rito. Masyado naman kasing maalaga ito sa kanya. Pumalatak ito at hinalikan muna siya sa noo bago binalikan ang niluluto. "Dapat nga hindi ka na bumaba. Doon na lang sana tayo sa kwarto nag-almusal." Napangiwi siya sa sinabi nito pero hindi niya maitatangging kinilig siya. Mula kasi nang malaman nitong isang buwan na pala siyang buntis ay halos hindi na siya nito pakilusin sa loob ng bahay. Lahat ay ito na ang gumagawa. Kung pwedi nga lang na humilata siya maghapon sa kama ayon na rin sa kagustuhan nito ay gagawin niya. Ang kaso, sinabi rin naman ng doktor niya na mainam na mayroon siyang eherhisyo paminsan. Para hindi siya mahirapan sa panganganak. B

