CELINE knew that Benedict was trying to make it up to her. Pero hindi niya akalain na papakasalan siya nito uli. Somehow, she could sense that Benedict was guilty. Ganito kasi ito kahit noon pa lalo at nakagawa ng kasalanan. Pero sa kanya, kahit hindi na nito gawin ang pakasalan siya muli ay ayos na. As long as she have him, as long as they still love each other. Iyon na ang mahalaga. In time, sana, magkusa na si Benedict na sabihin sa kanya ang ginawa nitong kalokohan. She will understand him. Dahil alam at pakiramdam niya ay nagkulang din siya bilang asawa. Siguro ganun na lang kalaki ang pagmamahal niya rito at lalo na sa pamilya niya. She knew many children who have broken family. And that was the least thing she wanted for her daughter. Ayaw niyang maranasan nito na magkaroon nang hiw

