RAMDAM ni Celine ang pagmamadali ni Benedict habang binabagtas nila ang daan pauwi sa kanilang bahay. Muli niyang idinantay ang kamay sa kanang hita nito at ginawa muli ang paghimas dito. Nabaling ang tingin nito sa kanya. Ngumuso lang siya at napailing. Ganun na lang ang gulat niya nang biglang ihinto ni Benedict ang sasakyan. Hinaklit siya nito sa batok at hinalikan nang mariin. Noong una ay hindi niya pa napagtatanto ang nangyayari hanggang sa kusang pumulupot ang kamay niya sa leeg nito at lumaban nang halikan dito. She let out a soft moan that made Benedict deepen the kiss. "s**t!" Pinaandar muli ni Benedict ang sasakyan. Blangko na ang mukha nito na taliwas kanina. "Hey, smile ka naman d'yan," aniya rito. "Ang gwapo mo masyado para sumimangot." Tinignan lang siya nito at baha

