Third POV Dumiretso siya sa hotel at doon namalagi habang hindi pa siya nakahanap ng condo. Nakatayo siya sa veranda ng kaniyang kwarto at dumungaw. At unti-unti niyang naramdaman ang pagpitik ng pulso nito sa loob ng kaniyang tiyan. Agad niyang kinuha ang kaniyang phone at dinial ang numero ng kaibigang si Chloe. “ Where are you, Sien? Bakit ka umalis sa bahay niyo?”bungad sa kaniya nito nasa kabilang linya. “Tinawagan kasi ako ng mommy at tinanong kung alam ko ba kung nasaan ka ngayon. Umiiyak ang mommy mo, Sienn. Umuwi kana sa inyo baka mapano kapa kung nasaan kaman ngayon.”dagdag pa nito “Hinding-hindi na ako babalik sa bahay na iyon baka ano pa ang gawin nila sa anak ko.” “Ngunit,Sien bahay mo parin naman iyon. At saka nag-alala na sila sayo lalo na ang mommy mo.”anito sa kaniya n

