Sienna's POV Agad na hinanap ng aking mga mata si daddy nang hindi ko siya mahagilap. “ Nasaan si daddy?”seryosong tanong ko sa kanila. Kasabay nun ay nagkatinginan sina Chloe at Tito Sam. “ Umalis, babalik din yon mamaya. May pinuntahan ata,”sagot ni Chloe sa akin. At muli kong naalala si mommy, alam kong nag-alala na iyon sa akin. Aakma na sana akong bumangon nang biglang kumirot ang sugat ko sa dibdib kaya't napahawak ako at napaungol. Agad na naka-alarma sina Chloe at Tito Sam. “Okay kalang,Sien?”nababahalang tanong ni Chloe sa akin samantalang si tito Sam ay nagtawag ng doctor. Ang sakit talaga ng dibdib ko ang parteng sinaksak ni Tita Patricia. Alam kaya nila na si Tita Pat ang may gawa sa akin nito? Kung hindi pa nila alam ay mas mabuting hind nila ito malaman kaysa magkasiraan

