Third POV Nakasunod lang si Sienna sa bangka kung saan ang kaniyang mga magulang hanggang sa nakarating sila sa isang maliit na isla. “It's so beautiful,” manghang saad ni Sienna habang nakatingin sa mala-paraisong isla. Kinukuhaan ng litrato ang kaniyang mga magulang sa kasamang tour guide nito. Hininto ni Sienna ang kaniyang jetski at nakangiting pinagmasdan ang kaniyang mga magulang habang kinkuhaan ito ng litrato . Trenta minutos ay nagpasyang bumalik ang kaniyang magulang. Nang sila'y makabalik sa kinarororonan ng kanilang nga kasama ay agad niyang pinatay ang engine ng jetski niya at sabay hinubad ang suot niyang life jacket. “ Nag-enjoy kaba, mahal?”tanong ng kaniyang ama sa kaniyang ina nang ito ay inakay pababa ng bangka. “Salamat, manong at sa pag-guide samin.”pasalama

