Pagdating nila sa Airport ay agad silang nagpaalam sa isa't-isa. Habang papalayo si Sienna sa kaniyang tunay na ama ay panay sa pagtulo ang kaniyang luha. Tinapik ni Chloe ang braso niya habang sila ay naglakad papasok sa airport. “ I missed them already,sis.”malungkot na saad ni Sienna sa kaniyang kapatid na si Chloe. Karga-karga nito ang anak ni Sienna. “ Masanay kana, sis dahil kailangan nating gawin ito for the goodsake of your son, Amero.”mahinahong sagot ni Chloe sa kaniya. “Makakabalik pa kaya tayo dito?”nag-alalang tanong niya dito. Huminto sa paglalakad si Chloe at humarap sa kaniya. “Yes of course,sis. Babalik tayo diba kapag okay na ang lahat.” Bumuga ng hangin si Sienna bago ngumiti. Ang puso niya ay parang pinipiga,durog na durog ang puso niya. “ Tahan na sis, nandito nama

