Trenta minutos simula nung dumating sina Sienna at ang mga magulang nito sa puntod ng kaniyang kambal. Kinuwento ng kaniyang ina ang kaganapan sa buhay nila nang biglang bumulagta si mommy sa sahig habang ito duguan. “Mom!”sigaw ko at sabay siyang inalog-alog ngunit agad na nawalan ng malay si mommy. Dali-daling binuhat ni dad si mommy palabas ng sementeryo. “ Lumaban ka, mahal!” “Mom! Lumaban ka please!” “ Lumaban ka para sa amin, mom!” Natamaan ng bala ang upper side ng dibdib niya sa bandang kaliwa kung saan ang puso nito. Dali-dali kong pinagbuksan ng kotse si dad at kaniyang ipinasok si mommy sa loob. Inilapag ko ang aking bag at agad na pinaanadar ang kotse ni dad. “ Bilisan mo ang pagmamaneho anak!” Nanginginig ang kamay ko sa mga sandaling ito. “ Opo dad,”mas binilisan ko pa a

