bc

Black Eagles Society 1: Jusaiah Montero

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
love-triangle
contract marriage
family
forced
pregnant
arranged marriage
badboy
mafia
heir/heiress
drama
tragedy
lighthearted
addiction
like
intro-logo
Blurb

It wasn't easy for Kizzia Wale to be trapped in the arms of her well-known professor, Jusaiah Montero. She was a homeschooled girl, and when she turned 18, her parents decided to set her free, to experience going to school like a normal student.But when she stepped into the university, she was not aware that someone already owned her and claimed that Kizzia was only for him, and him alone.But what if Kizzia discovers his darkest secret? Will everything be okay if Kizzia's life is endangered because of him? Will he free Kizzia from his grasp, or will he fight for her even if his life is at stake?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ni Kizzia habang nakatanaw sa mga batang naglalaro sa isla. Ang mga ngiti at tawa nito ay hindi masusuklian ng kung ano man. Tumagilid siya ng pwesto upang mas malayang pagmasdan ang mga bata na malayang gawin ang gusto. "Señorita, pinapatawag ka po ni Don William." Marahang tumango siya at hindi binigyan ng pansin ang kasambahay. Walang lingon siyang naglakad papunta sa opisina ng kaniyang ama at naabutan niya itong kausap ang kaniyang ina, malawak na ngiti na sinalubong siya ng mga ito. "Did you enjoy the vacation, sweetie?" tanong ng ina habang marahang kinakalabit ang likod niya. "Yeah, this place is refreshing." Tumawa ng mahina ang ama at may inilapag na folder sa lamesa nito. "Your brother is still in Chicago, I hope he'll be here for your 18th birthday." Malungkot na turan ng ina habang tumingin sa ama nito na walang emosyon lang ang isinukli. "He called me earlier and he promised me..." "Don't take his promise seriously, Kizzia," madilim ang mukha ng ama. "He never failed his promises to me, dad!" medyo tumaas ang bahagya ang boses niya. Minsan lang niya makasama ang kapatid dahil sa trabaho nito bilang Army. "Sweetie, I know your brother will be happy to see you becoming a grown woman in a few months. Just don't assume that he will be here, okay?" Nalukot ang mukha ni Kizzia at mahigpit na nakahawak sa magkabilang bistida niya. Tanda niya pa noong 16 siya, nangako ang kapatid niyang pupunta ito sa kanyang 18th birthday. Dalawa lang silang magkakapatid at ito lang ang kasangga niya tuwing gustong lumabas at maranasan ang buhay. Ito ang palaging gumagawa ng paraan para makalabas at makapasyal. At dalawang taon na ang nakalipas, gusto niya ulit maranasan iyon. Sa isang buwan, dalawa o tatlong beses niya lamang marinig ang boses ng kapatid at nangungulila siya sa presensya nito. "M-Mi, I missed kuya so much," nagsimulang magbagsakan ang luha niya at kasunod ang hagulhol niya. Nag-iwas ng tingin ang ama at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga papeles sa harapan nito. "Shh hush now, sweetie, I missed your brother too but I know that he misses us more." Humikbi ang ina at doon napatayo ang ama at may itinipa sa cellphone nito at pumunta sa balkonahe. Pinatahan siya ng ina hanggang sa wala nang luha ang lumalabas sa mga mata niya. Dumako ang mga mata niya sa ama na seryosong naglakad papunta sa gawi nila. Huminto ito sa mesa at ibinigay sa kaniya ang folder. "We decided that you will be going to school next week," nanlaki bahagya ang mga mata niya at gulat na binalingan ang folder. Name: Kizzia Kyren Wale Age: 17 School: Ville University "I-is this for real?" Ang kaninang mabigat na dibdib ay napalitan ng hindi mawaring emosyon. "Yes," isang malawak na ngiti ang isinukli niya sa dalawa. Gusto niyang magtalon sa balitang natanggap. Sa loob ng labing tatlong taon, hindi na sa bahay siya mag-aaral, kundi sa isang paaralan na talaga. Dahil ang daddy niya ay isang sikat na bilyonaryo, parating nasa panganib ang buhay niya. Pero nandyan parati ang Kuya niya sa panahon ng labas, iba ngayon na wala ang presensya ng pinakamamahal niyang kapatid. "Lalita and your bodyguards will accompany you to buy your school supplies, how's that sweetie?" Mas lumawak ang ngiti niya sa tanong ng ina. Dalawang taon na rin ang nakalipas simula ng nakalabas siya ng villa nila. Hindi niya alam bakit nakapagdesisyon ang mga magulang niyang bigyan siya ng kalayaan. "We will be going to Davao later, hindi ka na namin masasamahan pa." Nag-angat siya ng tingin sa ama na pinanood siyang yakap-yakap ang folder. "K-Kuya will be happy to know about this," pinipigilan niya ang luha na gustong kumawala sa mga mata niya habang tinitigan ang amang may munting ngiti sa labi. "We are happy to see your smile again, sweetheart." Imbis na sagot nito, niyakap siya ng magaan. Kilala siya ng daddy niya, kapag umiiyak siya, gusto niya talaga niyang may magyayakap sa kaniya. Nasanay siya sa kapatid niyang parati siyang niyayakap kapag malungkot siya, at ganun din ang mga magulang niya. Napapikit ang mata ni Kizzia nang sumalubong ang sinag ng araw sa kaniyang mga mata. Mabilis siyang nilapitan ni Lalita at pinayungan siya. "I'm okay, I just want to experience this stuff." Maliit na ngiti ang isinukli niya sa kasambahay. "Nako señorita, tingnan mo nga ang balat mo, namumula na. Papagalitan ako ni Doña niyan señorita," nag-aalalang saad nito at nilagyan ng sunscreen ang balat. "Nasa public tayo, Lulita, nakakahiya 'to," mahinang bulong niya sa babae dahil maraming mata ang nakatingin sa kanila ngayon. Nasa harap sila ng nagbebenta ng puto katapat ng mall. Kanina pa siya nagugutom pero ayaw niyang kumain sa mga restaurant. She is aware of this kind of food dahil nagluto na ang mommy niya ng puto. "Oh wait, Lulita, I'll give this to those kids out there," Turo niya sa mga batang nanlilimos at mabilis na kinuha ang mga puto na binili niya. May isang supot naman na hawak si Lulita at hindi niya naman mauubos 'yun kaya ipapamigay nalang niya ang hawak niyang supot. "T-teka señorita!," mabilis siyang naglakad at deretsyo lang ang tingin sa mga bata. "f**k!," Nanlaki ang mga mata niya ng may lalaking yumakap sa kaniya. Ang pabango nito na umiwan sa kaniyang ilong at ang malalaki nitong braso na yumakap sa kaniyang baywang ay naghatid ng kakaibang reaksyon sa kaniyang katawan. "Señorita! Okay ka lang? Jusko señorita, ano ka ba naman," nakatulala lang siya habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harapan niya at mariin siyang tinitigan. "Maraming salamat po Sir sa pagligtas sa amo namin, pasensya na po talaga." Napatingin siya sa mga putong hawak at lumungkot ang mga mata nang makitang nagkalat na sa sahig. "It's okay, take care next time." Hindi niya na ito binalingan pa ng tingin at nakayukong binitawan ang supot na hawak niya. "L-Lulita, buy another puto please and give it to the kids." Napahilot sa sintido ang kasambahay at tumango. "Pero uuwi na tayo pagkatapos nito Señorita Kizzia," isang tipid na ngiti lang ang iginawad niya at humalukip ng upo sa isang bench. Sinundan niya ng tingin si Lulita ng bumili itong ng puto ulit nang biglang may umupo katabi niya at bumuntong-hinga. "You're careless," ang buong boses nitong nagpatindig ng kaniyang balahibo. "I-I'm sorry," "If I didn't see you walking across the street, a car would have hit you." May diin ang bawat salitang bigkas nito. "I don't know, I'm sorry," sinalubong niya ang kulay berde nitong mga mata. Ngayon lang niya napagmasdan nang malapitan ang buong mukha at tindig nitong. Mula sa berdeng mga mata, matangos na ilong, at manipis nitong mga labi na bumagay sa hugis ng kaniyang mukha. Pumuputok rin ang mga braso nitong nasa suot na polo. Isang napakagwapong nilalang ang kaharap niya ngayon. Mabilis niyang iwinaglit sa isipan ang sinasabi ng kaniyang utak. Magsasalita sana ang lalaki ng biglang sumigaw si Lulita. "Señorita! Umuwi na po tayo!," tumayo na siya at hindi na nagawang magpaalam sa katabi dahil pinalibutan agad siya ng mga bodyguards ng ama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The abandoned wife and her secret son

read
3.1K
bc

Burning Saints Motorcycle Club Stories

read
1K
bc

Mistletoe Miracle

read
6.0K
bc

Owned by My Husband's Boss

read
8.4K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
68.4K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
42.7K
bc

The Billionaire regret: Reclaiming his contract Bride

read
1.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook