Nakaunan siya sa hita ko, habang hinahaplos ko yung buhok niya.
"Hindi ka ba umuwi man lang sa bahay mo, habang wala ako?" Tanong ko.
Umiling siya, "Hindi." Tipid na sagot niya.
"Bakit naman?"
"Syempre, kailangan kong humingi ng sorry sayo kasi parang hindi ako nakakatulog na hindi tayo nagkakaayos." Paliwanag niya.
Parang lumambot yung puso ko dahil sa paliwanag niya.
Tumikhim ako, "So, hindi naging maayos yung tulog mo habang wala ako?" Tanong ko.
"Oo."
Bumugtong hininga na lang ako, kasalanan ko din pala ito. "Matulog ka na muna." Sabi ko sakanya.
Umiling siya, "Huwag na, okay lang ako." Sabi niya habang nakatingala sakin.
"Hindi, matulog ka na. Nandito lang ako."
"Okay fine. Don't leave okay?"
Tumango ako, "Oo nga po." Sabi ko sakanya.
Umayos siya ng pagkakahiga at yumakap sa bewang ko.
Hindi kaya to nahihirapan man lang? Nakahiga siya tapos ako nakaupo at nakayakap pa sa bewang ko.
Napailing na lang ako, humiga na din ako at yumakap sakanya.
Kailangan ko din na magpahinga, kailangan ko ng pumasok bukas sa school.
***
KINABUKASAN, maaga akong umalis ng bahay.
Hindi na ako nakapagpaalam kay George, natutulog pa siya ng matapos akong maligo at magbihis.
May iniwan naman akong sulat sa head board ng kama, kaya panatag ako.
Nang makapasok ako sa Classroom, wala pang masyadong studyante.
"Good morning, Teacher Hannah." Bati ni Mike Angelo.
"Good Morning din, Mike." Balik na pabati ko sakanya.
Nag-umpisa na yung klasse ng dumating ang mga bata.
Sobrang saya nila ng malaman nila na bumalik ako. Sobrang saya ko din, kasi ang tagal ko ng hindi nakapagturo.
"Teacher Hannah, pinapasabi po ni Lola Cara na pumunta daw po kayo sa bahah." Biglang pagsulpot na sabi ni Nathalie.
"Kasama ba yung tito mo?" Tanong ko.
"Hindi po tita, kayo lang po. Sumabay na po kayo mamayang uwian."
Ano kayang gusto ni Tita Cara? Piping tanong ko sa isip ko.
Ngumiti ako, "Okay sige."
GEORGE’S POV
Pagkagising ko wala si Hannah sa tabi ko, akala ko ba hindi siya aalis sa tabi ko?
Bakit wala siya?
Umupo muna ako sa kama, nang may mahagilap ako sa head board ng kama.
Honey,
Good morning, eat your breakfast before you. Alam ko na may pasok ka, umalis na ako dahil may klasse pa ako. I hope you understand, Honey. I love you, take care. — Hannah.
I smile, Hannah and her short message for me makes me happy.