CHAPTER 18

657 Words
Pagod ang naramdaman ko, pag tapak ng paa ko sa mismong bahay namin. Pumasok na kami ni Jaden sa loob, dumeretso ako sa kwarto ko. Pag bukas ko nadatnan ko si George na nakapikit. Mukhang tulog ito. Dito siya nagstay sa kwarto ko? Piping tanong ko sa sarili ko. Tahimik kong inilagay yung gamit ko sa sahig at lumapit sa kinaroroonan niya. Inayos ko yung pagkakalagay ng kumot, buti na lang hindi nagising. Kahit naman galit ako sakanya, siya pa din yung iniisip ko ng umalis ako galing Albay. "I miss you." Bulong ko bago siya hinalikan sa noo. Napagpasyahan ko na bumaba muna, dahil nagugutom ako. Hindi pa kasi ako nakakain mula kaninang pagkaalis namin. "Anak, nandyan ka na pala." Nakangiting sabi ni Mommy. Ngumiti ako. "Opo 'Mmy. Kararating lang namin ni Jaden." Sabi ko. Lumapit ako sa cap board at tinignan kung anong laman. Wala naman akong mapagpipilian dito. Parang gusto ko ng Sinigang na bangus ngayon. Tumingin ako kay mommy na nakamasid lang sakin. "Mmy, pwede mo po ba akong ipagluto ng sinigang na bangus?" Nagtatakang napatingin siya sakin. "Ang pagkakaalam ko, Hannah. You don't like that." Sabi ni mommy. Nakagat ko yung ibabang labi ko. "Hmm... Gusto ko lang pong masubukan." Pagsisinungaling na sagot ko. Hindi muna nila pwedeng malaman na buntis ako at ang ama ay si George. Nagkibit-balikat na lang si Mommy, "Okay, maupo ka muna at ipagluluto na kita." Sabi niya saka niya ako pinaupo sa High stool ng kitchen counter. Ilan minuto pa akong naghintay ng pinaghanda na ni Mommy yung Sinigang sa harapan ko na may kasamang kanin. Excited akong kinuha yung kutsara at tinidor saka maganang kumain. "Hinay-hinay, Hannah. Hindi ka mauubusan." Natatawang sabi ni Mommy. "Yes, Mom." Sabi ko bago ipinagpatuloy yung kinakain ko. "Iwan muna kita, pupuntahan ko lang si Jaden sa bahay nila." Paalam niya bago ako iniwan. Matapos kong kumain, pumunta ako sa Garden. Ayoko munang pumunta sa kwarto ko kung nandoon siya. Nagulat na lang ako ng may biglang nagsalita mula sa likod ko. "Nandyan ka na pala." Hindi na ako lumingon kasi alam ko naman na siya yung nagsalita. Naramdaman ko na lang na may yumakap sakin mula sa likod. Babaklasin ko na sana yung pagkakayakap niya sakin pero lalo lang humigpit yung yakap niya sakin. "Bitawan mo ako." Mahinang sabi ko. "No, I'm so sorry for what I said last 3 days ago." Paumanhin na sabi ni George. Hindi na ako nagsalita muna, kailangan ko din kasing maingat sa bawat sasabihin ko. Ibinaon niya pa yung mukha niya sa leeg ko, kaya nararamdaman ko yung mainit na hininga niya. "Please love, sorry na. Kinain lang ako ng pagkaselos kaya ko nasabi iyon." Pagmamakaawa niya. Kinalas ko yung pagkakahawak niya sakin at humarap ako sakanya. Huminga muna ako ng malalim bago itinuon yung tingin ko sakanya, "Alam mo na hindi kita matiis ng sobra dahil sa ang kulit-kulit mo." Panimula ko. Ngumiti siya saka lumapit pa lalo sakin. "Ibig sabihin ba nyan hindi ka na galit?" Tumango ako. "Oo, ayoko ng magtagal pa lalo na hindi tayo okay." Sabi ko sakanya. Niyakap niya ako bigla, yumakap ako pabalik sakanya. "Good god, Thank you." Hinaplos ko lang yung likod niya. "I love you, Honey." Nagulat akong humiwalay ng yakap sakanya. "A–ano?" Gulat na tanong ko. "I love you, Honey." Ulit na sabi niya. Ilan beses umulit sa utak ko yung sinabi niya. "Honey, please say something." Napatingin ako sa mga mata niya na para talagang nakikiusap. "Hindi lang ako makapaniwala." Natatawang sambit ko. "I love you more, Honey." Dagdag ko habang nakangiti sa kanya. Hinila niya ako papalapit sakanya. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon, hinintay talaga kitang umuwi para humingi ng sorry." "Ginawa kong umalis para makapag-isip." Sabi ko sakanya. May regalo pa akong natanggap. Piping sabi ko sa isip ko. Hinawakan ko siya sa pisngi at inilapit sakin, saka ko siya mabilis hinalikan sa lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD