George's POV
Habang nasa bahay ako ni Tito Eli, pumunta ako sa second floor at dumeretso sa kwarto ni hannah kahit wala naman siya dito.
Pumasok na ako at isinarado yung pintuan, saka dumeretso sa kama at humiga doon.
"Fvck! I miss her so much." bulong na sabi ko sa sarili ko.
Nakatingin lang ako sa kisame ng biglang bumukas yung pintuan, napatingin ako doon at mabilis na umupo.
"Sorry tita, kung bigla na lang akong pumasok dito." Paumanhin na sabi ko.
Ngumiti ito. "It's okay george, may tanong ako at kailangan mong sagutin iyon ng seryoso." Sabi nito.
Tumango na lang ako at tumingin kay tita aria, kahit sa loob-loob ko ay kinakabahan ako.
"Ano ba talagang meron sainyo ng anak ko?" Tanong nito.
Bigla tuloy akong napatameme dahil sa tanong ni tita aria.
"Please answer me. Don't worry kung mahal mo o gusto mo ang anak ko, edi masaya. Gusto kita para sa anak ko." Nakangiting sabi nito.
Pumikit muna ako at huminga ng malalim bago tumingin ulit kay tita. "Yes tita, she's important to me tita. More than that." Sagot ko.
Ngumiti ito ng malawak dahil sa sagot ko. "Good. By the way, why are here in hannah's room?"
"I'm still waiting for her tita, gusto ko siyang makausap at humingi ng sorry." Malungkot na sabi ko.
"Why? What happen?"
"May nasabi po kasi ako sakanya tita, hindi ko naman sinasadya dahil sobrang nakain ako ng selos." Paliwanag ko.
Napailing na lang ito. "Men always jealous."
"I know tita, isa na ako doon. Hindi ko naman maiwasan dahil lalake din ako. Bakit naman kasi ang daming lumalapit sakanya na lalake." Sabi ko pero sa panghuling sinabi ko ay humina iyon dahilan para mapatawa si tita aria.
"Parang nakikita ko kaso si landon, pero mas seloso ka." Natatawang sabi nito.
Ngumiti lang ako. "Tita, can i sleep here in hannah's room?"
"Oo naman, hintayin mo na lang ang anak ko. Uuwi din naman siya bukas don't worry." Nakangiting sabi nito bago lumabas at iniwan ako.
"Uwi ka na hannah." Nagsusumamo na sabi ko kahit wala naman siya bago humiga ulit sa kama.
Kinuha ko pa yung isang unan ni hannah at niyakap iyon, kahit ang pabango na gamit niya ay nalalanghap ko pa sa unan niya.
Hannah's POV
Nakatingin lang ako sa malawak na lupain ng Albay.
Kamusta na kaya si George? Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala. Kahit naman galit ako sakanya, mahal ko pa din siya.
Hindi nga lang halata.
"Are you okay, Hannah?" Tanong ni Evan.
Tumingin ako sakanya na ngayon ay katabi ko na. "Oo naman, bakit mo naman natanong?"
"Wala naman, ilan araw ko ng napapansin na ang tamlay mo." Sabi nito.
Natawa ako ng mahina, "Ganito lang talaga ako."
"No, hindi ganon ang napapansin ko. Take this, exam your urine." Sabi nito at may inabot na supot.
Pagtingin ko sa supot, "P–pregnancy Test?"
"Yes, para malaman natin. Doctor ako, kaya napapansin ko na may mali sa mga kinikilos mo. Kanina naabutan kitang nagsusuka sa lababo." Paliwanag niya.
Huminga muna ako ng malalim. "Okay, sandali lang. Susubukan ko kung tama din yung hinala mo." Paalam ko bago ko siya iniwan.
Pumasok ako sa banyo at sinundan yung instruction na nakalagay bago pinatakan ng urine.
Lumabas na ako ng banyo at lumapit kay Evan.
"Anong resulta?" Kaagad na tanong niya.
Tumingin ako sa pregnancy test. Two lines yung nakita ko. Ibinigay ko sakanya.
May baby sa tyan ko.
"You're pregnant." Sambit niya.
Tumango ako. "Yes. Hindi ako makapaniwala." Mahinang sabi ko.
Ngumiti siya ng tipid. "Congrats, pumasok ka na muna sa kwarto mo. Magpahinga ka."
"Okay. Thank you." Nakangiting pagpapasalamat ko at niyakap siya.
Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya, bago siya iniwan.
Paano na? Ipapaalam ko na lang siguro pag okay na kami. Yung hindi na kami magtatalo na naman at lalo na pag hindi na siya kinakain ng selos.