"May pupuntahan lang ako." Paalam ko. Tumingin sakin si Sofia ng makahulugan.
Lumabas ako at hinanap ko siya, nakita ko siyang nakatayo sa may kalayuan sa garden.
Lumapit ako sakanya. "G–george."
Tumingin siya sakin at hinila ako sa bewang. "Hindi mo alam kung gaano ako naiinis at nagseselos." Diin na bawat sabi niya.
"George."
"Iilan bang lalake yan ah?! Ilan ba kami?! Napakalapitin mo naman yata sa mga lalake!" Galit na tanong niya.
Tinulak ko siya. "Ano sa tingin mo, malandi ako?!"
Ganon ba talaga yung tingin niya sakin?
Ngumisi siya. "Ikaw nagsabi nyan, hindi ako."
Sinampal ko siya. "Gano naman pala yung iniisp mo sakin? Edi dapat hindi ka na lumapit pa sakin simula noon." Galit din na sabi ko sakanya.
Iniwan ko siya, kung saan pagtalikod ko doon palang bumagsak yung luha ko. Mabilis kong pinunasan yung luha ko.
Dumeretso ako sa kwarto ko, nilock ko yung pinto saka humiga sa kama ko.
Dapat noong una palang pinigilan ko na yung sarili ko na mapalapit sakanya, na dapat pinigilan ko na mahulog sakanya.
Ilan beses na kaming nag-away pero hindi ko alam na pagsasabihan niya ako ng ganito.
***
Ilan linggo ko din siya na hindi kinakausap o pinapansin, ilan linggo na din siyang nagstay sa bahay. Ilan linggo na din na parang iba yung nararamdaman ko sa sarili ko.
Feel at home masyado.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko, nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Pasok." Sabi ko.
Bumukas yung pintuan at pumasok si Jaden na sobrang lawak ng ngiti.
"Tita, baba na po kayo. Nandyan po si Kuya Evan." Nakangiting sabi niya.
Ngumiti ako pabalik. "Osige, tara." Anyaya ko sakanya.
Lumabas kami ng kwarto ko, nang bigla namin makasalubong si George.
"Hello jaden." Bati nito bago tumingin sakin, pero umiwas kaagad ako ng tingin.
"Hello po tito." Bati din ni Jaden bago kami bumaba.
Pagkababa namin nakita ko kaagad si Evan na nakaupo.
"Evan." Tawag pansin ko.
Tumingin siya samin at ngumiti. "Pack your things, pupunta tayo sa bahay namin kasama si Sofia." Sabi niya.
"Saan ba? Hindi niyo kaagad sinabi."
"Bicol sana tayo." Malamlam na sabi niya.
"Malapit siguro yun sa bahay nila mommy." Nakangiting sabi ko.
"Sasama ako, sama din natin si Jaden." Dagdag ko pa.
"Sige na, pack your things. Isam mo na yung gamit ni Jaden." Sabi nito.
Nagpaalam ako sakanya at pumasok ako sa mismong kwarto ko at naligo. Magdadamit na sana ako nung bumukas yung pintuan, kaya mabilis kong tinakpan yung hinaharap ko.
"What are you doing here?"
Lumapit siya sakin at hinapit ako sa bewang. "Don't go." Pabulong na sabi niya.
Hindi ko siya pinansin at kumalas ako sa pagkakahawak niya sa bewany ko. Nagdamit ako kahit nasa harapan ko siya.
Kinuha ko yung maliit na maleta ko at naglagay ng damit ko kahit kay Jaden.
Palabas na sana ako nang hinawakan niya ako sa braso at niyakap ako. Nararamdaman ko na lang na hinahalikan niya ako sa leeg.
Pakiramdam ko nanghihina ako sa ginagawa niya.
Weak spot ko.
"Huwag kang sumama sa gagong iyon." Madiin na sabi niya.
Kinalas ko pa din yung pagkakayakap niya at tinitigan siya ng napakaseryoso.
"Ano na sa tingin mo ang ginagawa mo ah?"
Hindi siya umimik, kaya iniwan ko na siya at bumaba.
Nadatnan ko si Evan na ngayon ay kasama na si Sofia at Jaden.
"Hi best." Nakipagbeso ako sakanya.
"Tara na po tita?" Anyaya ni Jaden.
"Hindi kaya magalit si Daddy mo nyan?"
"Nandyan naman po si Mama, siya ang bahala." Nakangiting sabi ni Jaden.
Wala naman kasing kaya si Kuya kay Sofia.
Tumingin ako kay George nasa may hagdanan. Nakatingin sakin.
Umiwas ako ng tingin sakanya. "Tara na." Sabi ko.
Kinuha ni Evan yung gamit na dala ko at sumakay na kami sa kotse niya.
Tahimik lang ako. Gusto ko na siyang kausapin kayo nagdadalawang isip ako, saka galit pa din ako sakanya.
Tinext ko si Mommy habang nasa biyahe kami.
To: Mommy
'Mmy, pakialagaan si George habang wala ako. Kahit na galit ako sakanya concern pa din ako.