3 weeks na ang nakalipas mula ng malaman ng magulang ko na gusto ko si George.
Si George naman ay dumadalaw sa bahay pero kadalasan sa bahay siya nagstay. Hinahayaan naman nila mommy pero madalas naman sa Guest Room siya natutulog dahil kagustuhan na din ni Kuya Jacob.
Habang nagkaklassi kami may biglang nagexcuse kay Nathalie, yung mommy niya akala ko nga si George na naman.
"Nathalie, go outside. Pinapaexcuse ka ni Mommy." Nakangiting sabi ko.
"Teacher, nililigawan po ba kayo nung tito ni Nathalie?" Tanong ni Mike.
Natawa ako ng mahina dahil sa tanong niya. "Hindi, pero special siya sakin." Nakangiting sagot ko at ipinagpatuloy ang pagdidiscuss ko.
Minsan tinutukso ako ng mga estudyante ko, kay dinadaan ko na lang sa tawa dahil makulit at mapilit sila. Buti na lang mahal ko sila.
"Class, uwian na. Ayusin niyo muna yung mga upuan niyo bago kayo umalis." Pagpapaalala ko.
Habang inaayos ko yung mga gamit sa mesa ko, may kumatok. Pagkakita ko si Frank yung nasa harapan ng pintuan.
"Pasok ka sir." Pormal na sabi ko.
Natawa ito. "Ano ka ba naman, tayo lang naman kaya Frank na lang." Sabi niya.
"Okay, pasensiya na. Medyo hindi pa ako nakapaglinis." Sabi ko sakanya at patuloy pa din inaayos yung mga gamit ko sa mesa.
"Tulungan na kita." Presinta nito at kinuha yung walis at daspan sa likuran.
"Ayos lang ba?"
Ngumiti siya. "Oo naman." Sagot niya.
Pinabayaan ko siya na tulungan ako. Pagkalipas ng ilan minuto natapod na din kami. Sinarado ko na yung pintuan ng classroom.
Habang naglalakad kami nagsalita siya. "Hannah, ihahatid na kita."
"Okay sige. Salamat." Sabi ko, pinagbuksan niya ako ng pinto ng makarating kami sa tapat ng kotse niya na kulay red pa.
***
Pagkarating namin sa tapat ng gate, huminto na siya. "Thank you sa paghatid at pagtulong kanina." Nakangiting sabi ko.
"Wala iyon, alam mo naman na kaibigan mo din ako kaya tumulong ako."
"Bye. Ingat ka." Paalam ko bago lumabas.
"Good afternoon, Manong." Bati ko kay manong teddy na nagbabantay sa gate ng bahay.
Pinagbuksan ako ng gate ni manong. "Good afternoon, Ma'am." Pabalik na bati nito.
Habang naglalakad ako papasok sa bahay hinsi ko maiwasan ang hindi mapakanta.
Don't be afraid to be who you are
Just dream out and shout and follow the stars
Forget about the past that it's over
We are the young ones our way is forward
Who keeps tabs on stupid mistakes?
We all mess up but that's just the way
We learn how to get back up
We learn how to turn the page
So we will let our dreams take flight
And our hearts ignite
Did you know that it's true
Everything is possible
There's nothing we can't do
It's a wild and beautiful fire
And I believe in you
Napahinto lang ako sa pagkanta dahil sa taong kausap ni Kuya na ngayon ay nakatingin sakin. Hindi ko alam na bibisita siya dito, bigla tuloy akong nahiya lalo na ang lakas ng boses ko.
Hindi man kasi siya nagtext sakin.
Lumapit ako kay kuya at hinalikan siya sa pisngi. Tumingin ako kay George na ngayon ay nakatingin pa din sakin.
Lumapit naman ako kay George at hinalikan din siya sa pisngi.
Umupo ako sa tabi niya at yumakap sa bewang niya. Siya naman umakbay siya sa balikat ko.
"Sinong naghatid sayo? May narinig ako kanina na papaalis na sasakyan." Tanong ni Kuya.
"Co-teacher ko lang."
"Sino nga?" Tanong ulit niya.
"Si frank." Sagot ko.
Naramdaman ko na lang na medyo humigpit yung pagkakahakbay niya sa balikat ko, dahilan para mapangiwi ako ng konti.
Tumingin ako kay George na ngayon ay napakadilim ng expression ng mukha niya.
Magsasalita pa sana si Kuya ng sumakto naman na dumating si Jaden kasama si Sofia.
"Hello tita, tito." Nakangiting bati ni Jeyden at hinalikan ako sa pisngi kahit kay George.
Ganon din yung ginawa niya kay Kuya.
Lumapit ulit si Jaden kay Sofia.
Napansin ko na tulala si Kuya, pero si George hindi pa din nagbabago yung expresyon ng mukha niya tila nagpipigil na magsalita.
"Kuya, baka matunaw." Pabiro ko dahilan para umiwas siya ng tingin.
Bigla naman dumating si Mommy na mukhang kakagaling sa kusina.
"Magmiryenda na kayo, nasa dinning area." Sabi niya.
Sumunodna kami, umupo ako sa kabila at sina Sofia nasa kanan. Umupo naman si George sa tabi ko at nagulat na lang ako ng hawakan niya ako sa hita.
Aalisin ko na sana pero nagpumilit ito. Tumingin ako sakanya.
"Mag-uusap tayo mamaya." Madiin na sabi niya, bigla tuloy akong kinabahan.
Alam ko na magtatalo na naman kami nito.
Matapos namin magmiryenda tumayo ako at tumayo na din siya.
"Bro, labas lang ako para magpahangin." Paalam nito.