Naiuwi na si Danica, pero patuloy pa rin ito sa pagluha at hindi pagtanggap ng katotohanan na nawala ang kaniyang baby ng ganoon lang. Ang hindi niya maintindihan, hindi naman nakabalik ang ama. Niloko siya ng mahiwagang dayo! Naisahan siya nito at kinuha lang ang kaniyang anak! Naniwala siya sa sinabi ng barkada na galing ng probinsiya. Nalaman kasi nito na walang pag-asa na makabalik ang mahal na ama. Sinabi nitong maaari siyang samahan papunta roon para makahiling. Tinawanan pa niya ito pero mapapatunayan daw nitong totoo ang hiling sa mahiwagang dayo. Nagkaroon siya ng pag-asa kaya pumayag siya. Alang-alang na mabuong muli ang dating masayang pamilya. Pero, heto pala ang magiging kapalit? Alam naman niyang may kapalit ang paghiling pero, huwag naman ang kaniyang anak. Napahikbi na

