Hindi makapaniwala si Junnie sa nakikita! Si Jeselle habang kausap si Calvin, at parang ang saya-saya nila! May hawak pang isang rose ang bruha! Sobrang sakit ng puso ang nararamdaman ni Junnie. Wala ang dalawa niyang alipores dahil malamang late na naman ang mga ito. Mabilis niyang pinahid ang luha. Sobrang mahal na mahal niya si Calvin. Mula pa ng grade five sila, ito lang ang ninais ng kaniyang puso wala ng iba pa. Lalong nagdugo ang puso niya ng sabay pang pumasok ang dalawa at halos hindi mapaghiwalay ang pagdidikit ng katawan. *** Napangiti si Jeselle nang iabot na lang basta ni Calvin ang isang pirasong rose sa kaniyang harap. Nagkakaroon na rin ng tipak sa kaniyang puso ang mga simpleng pagpapakilig nito. Hindi naman siya manhid at guwapo at mabait namang ito si Calvin. Siguro,

