Umpisahan mo na. Huminga ng malalim si Torikara habang nakatingin pa rin sa mapang-uyam na si Tamara. Bahagya pa nga siya nitong pinandilitan ng mata na parang sinasabing lagot siya oras na ilaglag ang ina-inahan. Bahagyang pinisil ni Ran ang kanang kamay ng dalaga, sanhi para mapalingon ito sa gawi niya. Ipinaalam niya sa dalaga na susuportahan niya kahit ano pa man ang gawin at sasabihin nito. Sinimulan niya kung paano siya lumaki sa piling ni Tamara. Na kahit kinuha lang siya sa totoong mga magulang niya, minahal siya nito. Na totoo namang nangyari. Ramdam niya na minahal siya ng ina-inahan. At noong lumaki siya, puro kabutihan lang ni Tamara ang sinasabi niya. Hindi na umiimik si Tamara, karamihan naman kasi sa doon ay totoo. Pero hindi niya akalain na ganito ang sasabihin ni Torika

