"Maligayang kaarawan, Ina.” Isang halik sa pisngin sana ang igagawad ng labing-dalawang taong gulang na si Torikara, pero agad na iniiwas ng huli ang mukha. Tipid na ngumiti na lang ang dalagita at iniabot ang isang maliit na regalo. "Para sa inyo." Inis na tumayo si Tamara at lumayo sa dalaga. Ni hindi niya pinansin ang inaabot ng anak-anakan. Nagkibit-balikat na lang si Torikara at inilapag sa higaan ng ina ang kaniyang regalo. "Ayoko ng ganiyang regalo. Isang regalo lang ang nais kong makamtan." At naniningkit ang matang nakatingin si Tamara sa sariling repleksiyon sa may kalakihang salamin na nasa kaniyang harapan. Agad namang lumapit si Torikara sa inaakalang ina. Niyakap ang mga braso sa bewang ng ina at humilig pa sa kaliwang balikat nito. Nakatingin na rin sa salamin. Hindi man t

