Makalipas ang isang buwan... "Ano? Maganda na ba ako? O, kulang pa 'yung make-up, blush-on kaya?" At hindi mapakali si Junnie habang salitang tumitingin sa salaming hawak at sa hallway na daraanan ng transferee na si Kiko. "Oo naman, sis. Magkakamukha tayo kaya maganda ka rin." Kumindat pa si Fushia habang sinusuklay ang may kahabaang buhok ni Junnie. "Ayan na siya." At natatarantang inayos ni Rey ang damit ni Junnie at pumuwesto sa likuran nito, habang hinihintay ang paglapit ng kinahuhumalingan ng kanilang kaibigan. Nang mapatapat sa kanila, agad na ngumiti si Junnie at nag-tantalizing eyes pa. "Hi, Kiko." Classmates nila ito sa isang major subject kaya kahit paano, kilala na rin naman sila nito. Lumingon naman sa gawi nila si Kiko at tipid na ngumiti bago dumiretso ng lakad. Ni

