Hindi makapaniwala si Torikara na nasa harapan niya ang tatlong ninunong dayo. Naningkit ang kaniyang mga mata lalo na at naalala niya ang mga kuwento ng ina. "Wala silang mga puso! Huwag kang papabulag sa kabaitang kanilang pinapakita. Mapanlinlang ang mga mahiwagang dayo. Pinalayas nila ako sa mahiwagang lugar dahil lang sa nagmahal ako ng tao! At ano? Ginamit lang nila iyong dahilan para makuha ang kapangyarihan ko! Isa akong ninunong dayo, pero ganid sila at dahil ako ang pinakamalakas, nais nila akong mawala. Ganoon sila kasama!" Parang umaaalingawngaw pa sa tainga ni Torikara ang galit na boses ng ina at ang paghagulgol nito sa kaniyang harapan. Bakas ang hirap at sakit na dinaranas nito. At sa sobrang pagmamahal niya rito ay ninais niyang siya ang maghiganti! "Ikaw pala ang sinas

