Naiinis na pabalik-balik si Tamara sa kuwebang iyon. Hindi siya mapakali dahil mukhang nakalimutan ni Torikara ang kaniyang bilin. Dapat pala, siya na lang gumawa ng lahat nang paghihiganti. Pero alam kasi niyang pagtutulungan-tulungan lang siya ng mga dating kasamahan. Lalo na ngayong, wala siyang kapangyarihan at tanging mahinang mahika lang ang kaniyang panlaban kung sakali. Tiyak ang pagkatalo niya. Pinalitan niya ang kuwintas ni Torikara hindi lang para mag-iba ang pangalan nito, pati na rin ang hindi makita ang tatlong bituin nito sa leeg. Dinasalan niya ang kuwintas na habang suot nito iyon ay hindi naman lilitaw. Malalaman kasi ng mga mahiwagang dayo na kalahating dayo lang ito. Baka usisain pa itong maigi, mukha pa namang uto-uto ang dalaga. Isip, isip. Kailangan niyang paganah

