"Hi, Krizzel." Napatda si Krizzel nang mag-angat ng paningin. Hindi siya makapaniwala na ang babaing halos isuka siya kahapon ay nakangiti ng ubod ng tamis ngayon? "Sandra?" Nanatili siyang nakaupo sa isa sa mga bench na iyon sa gym. Hawak ang cellphone at binalak pa lang mag-text sa taong kasalukuyan nang umupo sa tabi niya. "Ahm, magso-sorry sana ako sa nangyari kahapon. Alam mo na, nabigla ako. Pero, okay na ako ngayon. Puwede tayong lumabas kung gusto mo?" Walang-kiyemeng saad pa nito. Nabigla rin si Krizzel nang hawakan siya nito sa braso. Nalilitong napatingin pa siya rito at sa mukha ni Sandra. "A, may klase pa ako at 'di ba ikaw rin? Mamaya siguro kapag uwian." Kahit pa gustung-gusto niya na makasama ito, uunahin niya pa rin ang pag-aaral siyempre. "Ano ka ba? Parang ayaw mo na

