"Anong gagawin?" Nalilitong nagpalipat-lipat nang tingin si Torikara sa tatlong ninunong dayo. Ipinatawag siya ng mga ito kay Bella kaya magkasama silang humarap sa mga ito. "Patuturuan kitang maging isang mahiwagang dayo para sa mga mortal." Nakangiting saad ni Liah, ang ninunong may pulang buhok. Alam naman niya ang bagay na iyon, naituro na ng ina. Kailangan daw na hawakan at titigan niya ang mga mortal na hihiling. Kasabay nang pagsambit na matutupad iyon. Pero may kapalit. Depende sa nais ng isang mahiwagang dayo. Hindi naman nila nasubukan ang ganoon dahil wala naman silang nakikitang mortal sa lugar nila. At hindi naman iyon ang pokus nilang mag-ina kaya hindi niya gaanong pinansin. Tapos, ganoon pala ang ipapagawa sa kaniya. Kinakabahan siya dahil baka malaman ng mga ito ang sik

