DAYO 46

1214 Words

Isang mapagpalang umaga sa lahat ng mga mahiwagang dayo. Ngayong araw na ito, magaganap ang pagpapasinayan sa magiging pinuno ng lahat. Naatang sa mga ninunong dayo ang pagbabantay at pagpapataw sa napili nilang karapat-dapat sa korona. At ang korona ng pinuno ay nakasuot mismo kay Tamara. Ayon sa batas ng mga mahiwagang dayo, kung sino man ang may suot nito ngayong araw ay siyang hihiranging pinuno. Sa ngayon... Binabasbasan ko si Tamara bilang... "Sandali. Paumanhin sa pinakamataas na dayo." Lahat ng mata ay nakatingin na ngayon sa palapit na si Shanaya, hawak nang mahigpit sa kanang kamay si Jeselle. Tumigil sila sa harapan nang kanina lang na malawak ang ngiting si Tamara, at ngayon ay naniningkit na ang mga mata. Nalilitong napasulyap din ang mga ninunong dayo kay Shanaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD