Ngiting tagumpay ang makikita sa mukha ni Tamara habang naglalakad sa gitna ng lahat ng mga mahiwagang dayo, suot ang korona ng pinuno. Taas ang noo habang tuwid ang tingin at hindi niya inililibot ang paningin sa paligid. Kahit pa, kita niya sa gilid ng kaniyang mata si Mugsy. Hindi siya kailangang pangunahan ng pagmamahal. Ang pagiging pinuno ang kaniyang pangunahing adhikain sa ngayon. Tumigil siya sa harapan ng mga ninunong dayo na nginisihan niya lang isa-isa. May pagbabanta rin sa kaniyang paningin na humanda sila oras na matupad na ang kaniyang nais. Walang may gustong gumawa ng ingay at kahit siguro ang huminga. Hinihintay nila ang pagsasalita ng tinig ng pinakamataas na dayo na siyang magdedeklara ng pagiging pinuno niya. Sa wakas! Tahimik na nagkakatinginan ang mga ninunong da

