DAYO 38

1657 Words

Napatakip sa kaniya-kaniyang bibig habang nanlalaki ang mga mata ng mga ninunong dayo nang makita si Jeselle. Hindi sila makapaniwala at isang dayo lang ang tiyak nilang kamukha ng babaeng ngayon ay nanatiling nakapikit sa ibabaw ng bato. "Shanaya?" si Liah, ang ninunong may pulang buhok, na hindi na nakatiis at tumayo't lumapit sa dalaga. Nakakunot naman ang noo ni Ran at Torikara sa nakitang reaksiyon ng mga ninunong dayo. "Kilala ninyo siya?" hindi na nakatiis na saad ni Ran habang matamang nagpalipat-lipat nang tingin sa mga dayong naroon at pati na rin sa dalagang nasa kanilang harapan. Hinaplos ni Liah ang buhok ni Jeselle. Hawig na hawig talaga sila ni Shanaya. Pati ang kulay na nasa dulo ng buhok nito ay halos walang ipinagkaiba. Nakahimlay sa magkabilang gilid sa may bandang le

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD