Agad na nasalo ni Ran ang babae bago pa man ito lumagpak sa sahig. Nabitawan nito ang cellphone subalit hindi naman iyon nasira. "Ano na? Saglit, ila-lock ko lang ang pinto at baka may pumasok." Agad na nilapitan ni Torikara ang pinto at mabilisang ini-lock iyon. Sinigurado niya pa kung walang tao sa bawat cubicle, buti na lang at wala ni bakas ng tao. Marahang inalalayan ni Ran na makasandal ang babae sa dingding malapit sa lababo. Nakalungayngay ang ulo nito sa kanan at natatabingan ng ilang hibla ng buhok ang mukha. Saglit na tumayo si Ran at dumukot sa bulsa ng suot na pantalon. Isang pin ang inilabas nito kasabay nang paglapit ni Torikara. Nagkatinginan muna sila bago lumuhod at magkabilaang hinawakan ang kamay ng babaeng inakala nilang si Junnie. "Ready?" tanong ni Ran habang hawa

