Kabanata 28 Why... Sinilip ko ulit ang ibaba at nakitang nagpark siya sa tabi ng kotse ko. Tang! Dito pa din siya nakatira? Doon pa din ba sa floor na iyon? Sabi ko na nga e! Maling desisyon ang pagtira namin dito. "Anong nangyari sa iyo?" napahawak ako sa aking dibdib sa biglang paglitaw ni Dayana sa aking harapan. "Okay ka lang? Para kang nakatakas sa binggit ng kamatayan." Nakatakas nga ako. Thank goodness. Umiling ako. I need to get him out of my mind now! Huminga ako ng malalim at kinunutan ng noo si Dayana. "Ano ba ang course mo noong college? Bachelor of Science in Planning Major in Surprises?" sarkastikong tanong ko dito. Bigla siyang natawa sa aking tanong. Napairap ako. Pumasok ako sa condo unit at iniwan si Dayana sa labas. Pumasok din siya nang matapos na siyang p

