Kabanata 27 Tanong "Hindi ko alam kung bakit ka namin kinakausap. Galit kami sa iyo." Napangiti ako habang pinupunasan ang aking mga luha sa aking mukha. "Tama. We shouldn't talk to her." Nakaupo na ako ngayon sa upuan at nakapalibot sila sa akin. Napatingin ako sa aking balikat na ngayon ay pulang-pula na. Tiningnan ko din ang sarili kong repleksyon sa glass sliding door ng cabinet ni Race sa aking harapan. Ang gulo ng aking buhok at hindi ko maitsura ang aking sarili. Talagang binugbog ako ng aking mga kaibigan. Nilingon si Mary na siyang tahimik lang. Nginitian ko siya. Alam kong naiinis pa ito sa akin. Marami pa kaming dapat pag-usapan dahil sa kanilang lahat, siya lang ang may mas alam sa akin. ***** "We are sorry about your father." Putol ng katahimikang sabi ni Mariz. Tu

