Kabanata 26 Back Dumaan ang isang linggo at ramdam kong may bigat sa aking isipan. Nang matapos ang trabaho ko ay sa bahay na ako ni Dayana palaging tambay. Kung hindi pagkain ang inaatupag ko ay nagbabasa ako ng mga tagalog novels na dala ni Dayana galing pang Pinas. Tumayo ako at sinoot ang isang makapal na jacket. Isang linggo nang hindi tumitigil ang ulan at dahil dito, mas lalong lumamig ang buong Miami. Sumulong ako sa ulan at agad akong pumasok sa isang coffee shop na nasa tapat lang ng bahay ni Dayana. Binati agad ako ng crew at ilang mga foreigners. Well, dahil medyo matagal na ako dito ay namumukhaan ko na din ang ilan sa kanila. "Let me guess, your usual order?" nakangiting hula ng babaeng crew. Nginitian ko din siya at tinanguan. "Yes please. Thanks!" "Of course. Anyt

