Kabanata 24 One Last Fight Dahil sa kalasingan namin ni Mary, nakatulog kami sa sahig ng kanyang kusina. Kahit ako ay hindi makapaniwala na naubos namin ang dalawang bote ng JD. Kinapa ko ang aking cellphone dahil sa pagvivibrate nito. Nanlaki agad ang mata ko nang makita ang pangalan ni Bluelle. Fuck! Hinanap ko ang wall clock ni Mary at nakitang ala-una na ng hapon. Shit! Ilang mura muna ang ginawa ko bago ko sinagot ang kanyang tawag. "What the f**k are you trying to do Fhella?" saglit akong napapikit sa pambungad niyang sigaw sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga. "Sorry Bluelle. May LBM ako." yeah, Fhell. Nice joke. "Iyan! Kung anu-ano kasi ang kinakain. Naku! Sana nagsabi ko nang mas maaga para hindi kami mag-alala sa iyo. Napapraning na kaya ang mga tao dito dahil m

