MYMF 003

1787 Words
“ANG yabang niyo namang dalawa.” Tinaasan kami ni Ate Carmie ng isa sa mga kilay niya. Si Clare ang sumagot, “Bukod kasi sa maganda ako, may brain pa ako.” Tumingin pa siya sa akin. Akala niya siguro papatulan ko siya sa oras na’to. Paano ba naman kasi?! Line ko ‘yon. Ayon ang sinabi ko ay Mama noong araw na nakapasa kami sa job interview. Wala akong balak na patulan siya. Hanggang ngayon ay hindi mawala ang kabog ng dibdib ko. Nandito si Kuya James and I need to act like nothing happened katulad ng plano. Ayaw kong malaman niya na naalala ko pa na may nangyari no’ng gabing iyon, but I am silently praying that he already forgets what just happened to us. Sana hindi niya na maalala or kung hindi man ay sana hindi niya na ungkatin pa ‘yon. ‘Wag siyang magpahalata sa akin na malinaw sa kan’ya ang nangyari noon gabing iyon. Hindi ko matatanggap ‘yon. Dagdag kahihiyan lang iyon sa akin. Pero sandali nga, ano bang dahilan kung bakit kami pinapunta ni Kuya Xander dito? Bakit hindi ko kasi agad naisip na malamang sa malamang ay nandito siya. Dapat pumasok na sa isip ko na malaki ang posibilidad na nandito siya no’ng sinabi ni Mama na nandito ang lahat maliban kay Kuya Achill. Edi sana um-akto ako na masakit ulo ko para hindi ako makapunta rito. SHOCKS! Hindi pa ako handa na makita siya matapos ang nangyari na masarap pero hindi magandang pangyayari sa aming dalawa noong gabi ng kasal ni Macmac. Hindi na talaga ako maglalasing, promise ko sa sarili ko ‘yan. “Cas and Clare are already here, ano ba talagang plano mo’t kailangan lahat kami ay nandito?” tanong ni Ate Fabella kay Kuya Xander. Lahat kami ay tahimik lang. Kaming magkakapatid, Ate Fab, Kuya James at Kuya Sael. ay nakaupo sa sofa na magkaharap. Kaming tatlo nina Clare ay magkakatabi (which is nasa right side kung front view), ako ang nasa gitna, nasa left side ko si Clare and nasa right side ko si Ate Carmie. Habang sina Ate Fab, Kuya James at Kuya Sael ay magkakatabi sa tapat namin (which is nasa left side kung front view). Nasa gitna nilang tatlo si Kuya Sael, nasa left side niya si Kuya James and nasa right side niya naman si Ate Fabella. So, bale, katapat ni Kuya James si Ate Carmie, katapat ko si Kuya Sael at katapat ni Clare si Ate Fabella. Si Kuya Xander naman ay nakaupo sa may single sofa na nasa pagitan ng dalawang sofa na magkaharap, nasa dulo namin ang sofa na kinauupuan ni Kuya Xander, hindi mismo sa gitna namin naka-puwesto ang sofa (hindi namin kaharap). “Hindi ko naman kayo pinapunta lahat dito, wala nga si Adam, Achill, si Fe,” sagot ni Kuya Xander. "Correction," singit ni Ate. "Si Crisselle pa." “May lakad na naman si Crisselle?” tanong ni Ate Fab. “Sana naman this time hindi mo na pinaglakad,” pahabol niya pa. “Oo nga pala, nasaan si Crisselle. Girlfriend mo ‘yon, ah,” sabi naman ni Kuya Sael. “Si Hanna nga, wala rin,” biglang sabi ni Ate Fabella. Natahimik kaming lahat, napasimangot si Clare tapos napa-poker face naman si Kuya Sael nang wala sa oras. “Ops, sorry,” Parang nawala na sa mood ang pinsan at kapatid ko dahil sa pagbanggit ni Ate Fabella ng pangalan ni Hanna. Ako nga, kanina pa wala sa mood. Kanina pa ni-ni-niyerbos, kanina ko pa gustong mag-walk out. Hindi rin makatingin ng diretso sa akin si Kuya James. Sa napapansin ko ngayon ay talagang naalala niya pa. “Okay,” panimula ni Kuya Xander. "I need your help, guys." “What kind of help?” mabilis na tanong ni Ate Carmie. Help? I’m pretty sure na hindi financial help, sa kanila kayang magbabarkada ay pang-apat siya sa pinakamayaman. Unahin na natin ang pamilya Sandoval, sila talaga ang pinakamayaman kahit wala silang sariling kompanya. Well, I am not sure about this. Hindi ko lang alam kung may kompanya ba sila o wala. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan nanggaling ang yaman nila. So pangalawa si Kuya Achill, next, si Kuya Sael tapos siya sunod. Wait, tama ba ako ng pasunod-sunod? Siya nga yata ang panglawa at hindi si Kuya Achill! Naalala ko lang bigla ang mga properties ng Alejandro’s. They have their own hospital, vast hacienda etc… kaya sa tingin ko siya nga ang pangalawa! Still, Sandoval pa rin talaga ang pinaka-una! Halata naman. Kaya imposible na pera kailangan ni Kuya Xander. It’s something that needs time and sweat. Ano kaya ‘yun? Teka, ‘wag iyon ang isipin ko ngayon. I’m sure na hindi magiging madali lang gusto niyang mangyari kaya kami nandito. Ang dapat kong isipin ngayon ay kung ano ang dapat kong gawin ‘pagkatapos nito. Malamang kailangan kong umiwas sa kan’ya. Dapat ko rin iwasan ang pakikipag-usap sa kan’ya. Alam ko na makikisama naman siya, hindi siya gano’ng kadaldal kaya hindi niya naman talaga ako kinakausap ‘pag hindi importante. Pero, what if… what if, importante sa kan’ya ang nangyari? At bakit naman? Kalma, Cas, ‘wag ka maging assumera. Alam ko kahit na hindi siya nagsasalita, s*x is just s*x for him. Nabanggit na ito dati sa akin ni Ate Carmie noong nasa highschool palang ako, masyado raw malibog si James pero nilulugar daw nito. Tinanong ko kung paano niya nalaman, nakasama niya na ba 'to sa kama, pero mabilis siyang humindi sa akin. She told me na galing sa ex-girlfriend ni James ‘yon na iniwan lang siya in the end, si Kuya James ang nang-iwan. Yata? I am not really sure about this too. Rumors lang. Ginamit lang daw si girl ni Kuya James, para may paglaruan sa kama, ganoon. Kaya I’m sure na hindi big deal sa kaniya ito. D*mn! Sarap puntahan si Valentin sa hospital tapos magtanong kung may gamot ba para makalimutan ang pangyayaring iyon. Kuya Xander pursed her lips before he started talking, "I want to marry her. I want her to realize that marriage won't ruin us." Lahat naman kami ay natigilan, siyempre, kasama ako sa literal na natigilan. Paano ba naman kasi? Ano bang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Siguro, ayaw magpakasal sa kan'ya ni Ate Crisselle? That's it? Ibig sabihin lang nang sinabi ni Kuya Xander ay hindi naniniwala si Ate Crisselle sa kasal? "Huh?" tanong ni Ate Carmie. "Yeah right.” Napabuga nang malakas na hangin si Kuya Xander. "Ayaw akong pakasalan ni Crisselle dahil masisira lang daw ang relasyon namin kapag ikinasal kami." Pero hindi ko naman in-expect na ayaw pakasalanan ni Ate Crisselle si Kuya Xander dahil sa ganiyang paniniwala. Hindi ko rin naman siya masisisi, pansin ko sa pamilya niya after magpakasal ay naghihiwalay. "Maybe, she's just scared na matulad siya sa nangyari sa kapatid niya na si Christine," sabi naman ni Kuya James. Kumakabog-kabog pa rin ang dibdib ko. Iniiwasan ko na 'wag sumabog. Feeling ko kasi pulang-pula na ang pagmumukha ko sa sobrang kahihiyan. Bawat salita na lumabas sa bibig niya ay hindi ko naman pinansin, nakatingin na ako ngayon sa kan'ya pero napaiwas agad ako nang tingin nang mapansin niya na nakatingin ako sa kan'ya. Sh*t! Ang guwapo niya talaga! Alam ko na 'yon noong una pa lang na mga guwapo talaga 'tong mga lalaki na 'to. Si Kuya Sael, Achill, Xander and James ay literal na mga guwapo. But I didn't expect na papasok sa utak ko ang bagay na 'to. Parang si Kuya James ang PINAKAGUWAPO SA KANILANG LAHAT! OMG. Bakit ganito ang iniisip ko. Ang guwapo niya kasi talaga. He's wearing a plain gray v-neck shirt. Medyo fit pa 'yun sa kan'ya. Ang ganda rin talaga ng katawan niya kaya ang sexy niya tingnan habang naka-upo. Stop, Cassie, 'wag kang mag-isip ng kung ano-anong kahihiyan ngayon. Nakakaloka ka! "Ano bang nangyari kay Christine?" tanong ni Clare kay Kuya James. Napatingin sa kan'ya si Kuya James, blangko lang ang ekspresyon nito sa kapatid ko. Napatikhim muna siya bago sumagot, "Wala ka bang nasagap na balita na naghiwalay na sila at ng asawa niya?" "Na-fall out of love daw sila," sabi ni Kuya Sael. "Katulad niyo ni Hanna?" sabi ni Ate Fabella, natigilan naman ulit si Kuya Sael. "Can you please stop mentioning her? You're not helping," inis na sabi ni Kuya Sael. Natawa silang lahat. Maliban sa akin na tahimik lang na nakatulala rito. Nakikinig lang talaga ako sa kanila. Wala akong balak na magsalita. Huhu, nakakainis kasi. Para akong masu-suffocate knowing that he's here. I hate it. "Tama na 'yan," sabi ni Kuya Xander. "I think hindi naman sila na-fall out of love, ayaw lang nila ng responsibilities." "Sila Hanna?" tanong ng nakatatanda kong kapatid. Dahil doon napatayo na si Kuya Sael sa sobrang inis. Hay naku, hindi naman sila Hanna 'yong tinutukoy ni Kuya Xander, 'yong topic about kay Christine kasi 'yun! "I'm walking out.” Hindi na siya napigilan nila Ate Fab. Umalis na talaga siya nang hindi pa natatapos ang usapang 'to at hindi pa nasasabi ni Kuya Xander kung ano ang plano. Malamang nagpunta na si Kuya Sael sa kuwarto niya sa itaas, at babalitaan na lang siguro siya once na natapos na ang usapang ito. Pero ano ba talaga ang gustong mangyari ni Kuya Xander? "Kaninang umaga pa 'yon kumukuta sa pang-aasar namin tungkol kay Hanna," humalakhak si Kuya Xander. "Grabe kayo," sabi ni Clare. "Anyway, ang gusto ko talagang mangyari ay ㅡ" "Kausapin namin si Crisselle na pakasalanan ka na kasi hindi mo naman talaga siya iiwan?" Kuya James cuts him off. Napalunok ako nang wala man lang dahilan. "No.” Pinanliitan siya ng mga mata ni Kuya Xander. "Gusto kong magkaroon kami ng oras para mag-usap." Sinamaan siya ng tingin ni Ate Fabella. "Wait, I don't get it. Nagli-live in na kayo 'diba? Anong oras para makapag-usap ang pinagsasabi mo riyan." "Nag-aaway nga kami dahil wala talaga siyang balak na pakasalan ako. Maghiwalay na lang daw kami kung pipilitin ko pa siya magpakasal.” Bigla namang naging malungkot ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Kuya Xander. "Ayaw niya akong kausapin, doon muna siya nag-is-stay sa bahay nila. Hindi siya umuuwi sa akin." "Oh.” Parang walang masabi si Ate Fabella. "Eh bakit hindi na lang kayo maghiwalay? Ngayon pa lang puro away na kayo paano 'pag kinasal na kayo?" saad ni Kuya James. Nakita ko pa na marahan siyang siniko ni Ate Fabella. "Ayaw kong mahiwalay kay Crisselle. Mahal na mahal ko siya." "Fine, anong gusto mong gawin namin nga?" tanong ni Ate Carmie kay Kuya Xander. "Gusto kong magset-up kayo ng..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD